KABANATA 3

827 26 4
                                    

Kabanata 3

Sorry

--

Kailanman walang nabanggit si Seb sa akin na may kakambal siya. At doon napagtanto ko na marami pa pala akong hindi alam sa kanya. I haven't met his family yet but he told me before, he has a plan to introduce me to them. Kaya lang... nangyari ang aksidente nang hindi namin inaasahan.

Kaya...

Napatitig ako sa lalaki. Kaya hindi ko nakilala ang Mommy niya... kaya hindi ko nakilala ang Daddy niya... at kaya rin hindi ko alam na may... kakambal siya!

"Madalas ka niyang maikwento sa akin pero kahit kailan, hindi kita nagustuhan..." he said.

Kumirot ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil magkamukha sila ni Seb at pakiramdam ko siya ang nagsasabi ng mga ito sa akin. Kahit kailan alam kong hindi magsasabi ng ganito sa akin si Seb. Mabait siya sa akin at... mahal niya ako. He will never hurt me.

The man approached me and stared at me intently. "Don't ever touch me again... Michelle Agravante," he said my name like it's a very dirty word.

Tumalikod siya at sumakay sa kanilang SUV. Naiwan ako roon na nakatulala at hindi makapaniwala. Kumikirot pa rin ang puso ko at pakiramdam ko maiiyak na naman ako.

Kakambal niya si Seb. He's not Sebastian. But why am I hurting?

Umiyak ako nung gabing iyon. Akala ko buhay siya. Akala ko nandito na ulit siya. Inaamin kong kahit imposible, umasa pa rin ako na siya iyon. Pero hindi. Ibang iba siya. Magkaibang magkaiba sila!

Pero bakit may kakaiba akong nararamdaman? Bakit pakiramdam ko siya iyon at nagpapanggap lang? Bakit parang gusto ko pa rin siyang makita? Magkamukhang magkamukha sila. Halos lahat sa kanila ay magkapareho. Kaya paanong hindi naging si Sebastian iyon? Siya iyon!

Mugto ang mga mata ko nang pumasok ako sa school. Pinagtitinginan ako dahil alam kong halatang halata iyon at nakababa lang ako ng tingin. Wala akong sa mood para mahiya. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi pa rin ako... makapaniwala.

"Mina, are you okay?" Seryosong tanong ni Issa nang nakita ako.

Makakasalubong ko na pala siya. Sa sobrang pagkakatulala ko, hindi ko na siya napansin.

"Ha? Of course..." ngumiti ako.

Tinitigan niya ako ng mabuti. Tumawa ako dahil alam kong ang mga mata ko ang tinitignan niya.

"Nakagat lang ng ipis. Sige, mauna na ako..."

"Mina, alam naming lahat na hindi ka pa nakaka recover sa nangyari sa..." hindi niya tinuloy. "Nang dahil na naman ba sa kanya kaya ka nagkakaganyan? You said you're already okay."

I smiled again. "I'm fine, yes. Pero hindi ganon kadaling kalimutan ang nangyari. Nawalan ako, Issa..."

"I'm sorry..." hinawakan niya ang likod ko.

Kinamusta rin ako ng iba ko pang pinsan nang nagkita kita kami sa cafeteria. Ganon lang rin ang sinagot ko, ayos lang ako. Kahit na hindi. Kahit na alam kong sobra pa rin akong nasasaktan. Lalo na ngayon na may kamukha siya. Hindi ko alam ang iisipin o gagawin ko. O dapat bang may gawin ako?

"It's just a boy! Why are you crying so much for him?" Umirap si Eli.

"Eli..." si ate Johan.

Nasaktan ako sa sinabi ni Eli. I feel like she doesn’t understand me. I feel like she's just ignoring how I'm feeling. Masakit iyon para sa akin dahil una sa lahat, pinsan ko siya. Pinsan ko siya kaya inaasahan ko nang maiintindihan niya ako. Pero hindi. Ito lang ang sinabi niya sa akin. Wala siyang pakialam.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now