KABANATA 39

739 18 0
                                    

Kabanata 39

Cry

--

"Palagi nang nandito 'yan, ah?" si Ate Johanna sa akin, tinutukoy si Lee.

Lee just arrived and we are having lunch together again today. It's not lunch yet but he's here. Ganito siya palagi, maaga. Nasanay na ako kaya hindi na ako nagulat ngayon.

Nginisihan ko lang si Ate sa sinabi niya at tumayo na para puntahan si Lee. Her eyes narrowed at me but in the end she just smirked and shook her head.

I smiled at Lee and he greeted me with a kiss on my lips. Nagulat ako. He always does this here in my shop but I still can’t get used to it! Palagi pa rin akong nagugulat at nahihiya dahil alam kong nakatingin sa amin ang lahat!

"How are you?" nakangisi niyang tanong sa akin.

"Tss. Halika na nga roon," anyaya ko sa kanya sa counter.

Sumunod siya sa akin habang bahagyang tumatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Alam niyang nahihiya ako kapag ginagawa niya 'yon sa maraming tao pero imbes na itigil niya, talagang nanunukso pa siya.

"I bought you ice cream as you requested. Is this okay?" anya at pinakita ang sapot na dala niya.

Namilog ang mga mata ko at namangha nang nakita ang binili niyang ice cream para sa akin. Hindi iyon ganoon kalaki dahil hindi ko naman mauubos. Medyo maliit lang ang pinabili ko sa kanya.

"Thank you! This is okay, of course," sabi ko.

He smiled. "Pero may kapalit 'yan."

"Huh?" nagtataka ko siyang tinignan pero natawa nalang rin. "Ano namang kapalit?"

Ngumisi siya. "Do you remember our deal before?"

"Deal?" taka kong tanong at nag isip sandali. My forehead furrowed. Do we have a deal before?

"You said you'd teach me how to bake. It's our deal, right?" ngumuso siya.

Ah! I remember that! That was our deal when I was still going to their school. He said he wanted to learn to bake and he wanted me to teach him.

I sighed and looked at him. Ngumiti ako. Hindi ko alam na naaalala niya pa pala 'yon. Ako nga nakalimutan ko na. I then wondered does he still remember even the little things we did before?

"Sige. I can teach you in the kitchen. Madali lang 'yon," sabi ko.

He smiled at that. Nagtungo kami sa kitchen at pinalamig ko muna ang ice cream ko sa ref. Wala masyadong ginagawa ang mga staffs ko dahil kaunti palang ang tao ngayon. Saktong sakto kami sa oras. Madalas kasi sa gabi pa maraming tao.

"Bakit gusto mo pa ring matuto hanggang ngayon? Ang tagal na kaya no'n," sabi ko habang nag aayos ng mga gamit.

"Gusto kong matutunan lahat ng mga ginagawa mo," sagot niya.

I looked at him. He smirked. Uminit ang pisngi ko at umiling nalang sa mga sinasabi niya. He chuckled and put his hand on my waist. Nakita kong sinulyapan kami ng ibang nagtatrabaho.

"It's true!"

"Oo na..." nahihiya kong sinabi.

He chuckled again. Tuwang tuwa talaga siya kapag nahihiya ako!

"So where should we start?" tanong ni Lee.

Tinuruan ko nga siyang magbake roon. Yung basic lang muna ang tinuro ko sa kanya, yung wala munang mga flavor, plain muna. Hindi naman siya mahirap turuan. Mabilis lang siyang matuto at talagang tutok na para bang interesadong interesado talaga siya. I couldn't help but smile.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now