KABANATA 26

503 14 0
                                    

Kabanata 26

Ran

--

Luna:

Lee texted me last night. Tinatanong kung nakauwi ka daw ba ng maayos kagabi. What happened?

Napatitig ako sa text sa akin ni Luna, ito agad ang bumungad sa akin umagang umaga at maga pa ang mga mata ko sa matinding pag iyak kagabi.

Hindi ako makapaniwala. Gusto ko na namang maiyak. In all that happened... in all the pain I gave him... he still cared for me. Tinanong niya pa talaga si Luna.

I covered my face with both hands before taking a deep breath. Hinilamos ko iyon bago ko kunin muli ang phone ko.

Mina:

I'm fine. Paki sabi nalang sa kanya na maayos akong nakauwi.

Luna:

Ano bang nangyari? Nag away kayo?

I still don't know if I'm ready to tell her everything that happened. Everything is still fresh to me. Baka maiyak na naman ako nang walang tigil kapag inalala ko na naman ang mga nangyari. Sa ngayon... ayoko na munang pag usapan iyon.

Mina:

Nothing, Luna. We're fine. Kaunting tampuhan lang.

Hindi naman na nagulit si Luna pagkatapos noon. Maybe she also felt it. That I don't want to talk about it. Masyado niya akong kilala para hindi malaman iyon kahit ganon lang ang text ko.

Matamlay akong nagbihis para sa linggong iyon. Sinabi sa amin ni Mommy at Daddy na hindi kami makakalabas ngayon dahil marami silang gagawin sa kumpanya. Mamayang dinner nalang daw kami kumain sa labas.

"Ano na, Mina? Akala ko ba lalabas kayo ulit ni Blade?" iyon na naman si Mommy habang kumakain ng breakfast.

"Mom..." I wanted to stop her because I wasn't really in the mood today. Pero mukhang hindi ko siya mapipigilan.

"Baka naman tumatanggi ka sa tuwing niyayaya ka niyang lumabas?"

"Mom, hindi ganon. Hindi lang talaga kami madalas magkita at--"

"Hindi madalas magkita pero palagi kang nandoon sa school nila? Kaya paano? Bakit? Sino ba ang pinupuntahan mo roon kung hindi si Blade?" natakot agad ako sa tono ni Mommy.

"Kylie... hayaan mo na ang anak mo," si Dad.

"I just want her to try it! Ano ba kasing pinagkaka abalahan mo at bakit hindi na kayo nakaka labas?"

"Mom, we're not even close. Tsaka totoong hindi kami nagkikita sa school--"

"Who do you go to at their school then?" ngayon mas nakakatakot na talaga si Mommy.

Kinabahan ako. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang tungkol kay Lee.

"S-Si Luna po..." kabado kong sambit at nag iwas ng tingin.

Mommy's eyes narrowed at me. Ate Johan, who was next to me, cleared her throat and gently wiped her mouth.

"Mom, palagi silang lumalabas ni Luna. Minsan nga kasama pa nila ako," nagulat ako sa sinabing iyon ni Ate!

Napabaling tuloy ako sa kanya. Ngumiti siya kay Mommy.

"So don't worry, Mom. Totoong hindi sila nagkikita ng lalaking iyon sa school at ayaw niya naman doon. Bakit ba kailangan pa nilang mag-date?"

Bumaling si Mommy kay Ate. "Hindi mo maiintindihan. Hindi niyo maiintindihan. Now all I'm saying is try--"

"Is it for business, Mom?" putol ni Ate kay Mommy.

I saw Ate Johanna's expression change. Binaba niya ang kanyang paningin sa kubyertos at marahang hinaplos iyon. Titig na titig ako sa kanya dahil kabado sa susunod niyang sasabihin.

"Mas mahalaga ba ang business kesa sa nararamdaman ng mga anak mo?" kahit inaasahan ko naman nang may sasabihin siyang siguradong ikakagalit ni Mommy, nagulat pa rin ako!

Nag angat ng tingin si Ate kay Mommy.

"Kailangan niyo ba talagang pilitin ng ganito si Michelle?"

"You don't understand, Johanna. Soon, when you grow up, you'll understand us too," mahinahong sinabi ni Mommy kahit kitang kita ang hindi pagkakagusto niya sa sinabi ni Ate.

Ate laughed and shook her head. "I will never do this to my kids."

Uminom siya ng tubig at nagpunas pagkatapos ay tumayo na. Mahinahon siyang nagpaalam kina Mommy at Daddy bago umalis at umakyat sa kanyang kwarto. Natulala ako sa kinauupuan niya kanina.

Napabuntong hininga si Mommy. "Pagsasabihan ko nalang 'yang Ate mo. Basta ikaw, Mina, lalabas kayo ni Blade."

"But, Mom--"

"You are gonna date him no matter what, Michelle Morganna," nagbabanta ang tinig ni Mommy.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Naghalo halo na yata ang lahat sa puso ko. Merong lungkot, sakit, pagtatampo, guilt, pagkawala ng pag asa, lahat na yata ng nakakapang hinang nararamdaman ay nararamdaman ko na.

Naiyak na naman ako. Kaya lang natigilan ako nang isang kalabog ang narinig ko sa labas ng aking kwarto. Mabilis akong lumabas nang narinig ko ang malakas na boses ni Ate Johan.

"Nahihirapan na si Mina, Mommy! Sebastian Hidalgo died just a few months ago! Hindi mo manlang ba iisipin, kahit sandali, ang nararamdaman niya!?"

"I'm doing this for her!"

"Anong ikabubuti niya sa ginagawa mo, Mommy? You're forcing her into something that she doesn't want to do! She doesn't even know that man and you know Mina, Mom! She's a very soft person at masyado siyang inosente sa mga ganong bagay!"

"I'm doing this for her because I'm hoping she's gonna move on from that accident by dating another man! I know what she's feeling! I know she's hurt! And I want that to be gone!"

Sandaling natahimik si Ate. Napahawak ako sa aking bibig at hindi ko na namalayan ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko. Nasa loob sila ng kwarto ni Ate at bahagyang naka bukas ang pintuan kaya dinig na dinig ko sila.

"You think mawawala ang sakit na nararamdaman niya kung gagawin niyo 'to? Forcing her into a man she doesn't even know!?"

Hindi nagsalita si Mommy.

"The only thing that can get rid of her feelings is comfort, Mom! Comfort! Michelle needs a comfort! She needs your comfort! Not your worthless idea!"

Nakita ko kung paano lumipad ang palad ni Mommy sa pisngi ni Ate Johan. Namilog ang mga mata ko habang wala namang naging reaksyon si Ate. Nanatili lamang ang anggulo ng kanyang mukha sa kaliwa.

"Kailan mo pa ako natutong sagutin ng ganito!?" galit na galit na sigaw ni Mommy.

Gusto kong pumasok at awatin sila. Lalo na nang nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni Ate galing sa kanyang mga mata. I want to hug her and tell her to stop. I don't want her being like this just because of me.

Ngunit naunahan niya na ako. Pina alis niya ang kanyang mga luha at isang beses lang sumulyap kay Mommy bago nagmartsa palabas ng kanyang kwarto. Naabutan niya ako sa labas. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang nakita ako roon ngunit mabilis lang rin iyong nawala at hinawakan niya agad ang pulsuhan ko.

"Let's go," anya.

"H-Huh--" hindi na ako natapos dahil hinila na niya ako pababa.

"Johanna! Get back here!" si Mommy sa itaas.

Pero hindi nagpatinag si Ate. She pulled me until we were outside the mansion. I don’t know but in that moment, I really wanted to leave, with her, and with all the hatred I was feeling.

So when she started running, I ran too, ignoring Mommy's screams and her commands to follow us. We just ran, as if all the pain would be taken away that way.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя