KABANATA 11

577 21 0
                                    

Kabanata 11

Reminds

--

Bumalik kami ni Lee sa loob ng school at nagpatuloy siya sa paggawa ng assigments niya habang ako nakanguso habang kumakain dahil hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niyang spoiled daw ako.

Spoiled? I'm not spoiled! Porket ba hindi ko alam ang mga ganitong pagkain spoiled na agad? Hindi ba pwedeng ngayon lang nakita dahil hindi naman napapansin noon? Palagi kaya akong nasa bahay noon!

Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang nakatingin sa akin si Lee. Napatingin ako sa kanya at naabutan niya akong nakanguso. Inayos ko agad ang postura ng aking mukha at nagpatuloy sa pagkain. May multo ng ngisi sa kanyang labi.

"I'm sorry. Are you thinking about what I said to you earlier?"

Ngumuso ulit ako at tumingin sa kanya. "I'm not spoiled."

He chuckled. "Yeah, you're not spoiled. I'm sorry."

"I was always at home then so I didn't know about this. Besides, if I ever go out, it's only at my cousins' house and at school. Pagkalabas ko ng school nandyan agad ang sundo ko kaya..." hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag!

He chuckled again. "I'm sorry, okay? Hindi ko na iyon sasabihin sayo. You're not spoiled. I'm just teasing you."

Tumango ako at tumingin sa pagkain ko. Bahagya siyang lumapit sa akin kaya nagulat ako at napatingin sa kanya.

"Mina, are you angry? I'm sorry..." he said but there was a ghost of a smile on his lips.

Kumunot ang noo ko at gusto kong mairita. Nagsosorry siya pero halatang natatawa. Pinaglalaruan niya ba ako?

"I'm sorry... please?" he said.

"It's okay. I'm used to that. That's how others really think of me."

Kumunot ang noo niya. "Someone said that you're spoiled?"

"Oo. Marami na. Kaya okay lang. Sanay na ako..."

"And who's that?"

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot. Sa dami ng nagsabi sa akin ng ganon, hindi ko na sila matandaan. Pero kahit natatandaan ko, hindi ko pa rin sasabihin sa kanya. Bakit kailangan niya pang malaman? Ano naman ang gagawin niya?

"Sino, Mina..." now he looks serious.

"W-Wala. Hindi ko na matandaan. Marami iyon kaya..."

I saw his jaw clenched.

"Ayos na iyon. I know I'm not spoiled so their words are nothing to me."

He stared at me for a moment before he sighed. "I'm sorry..."

"It's okay," ngumiti na ako ngayon.

"I'm just really teasing you..."

"It's okay, Lee..."

He sighed again. Lalo akong ngumiti sa kanya para sabihing ayos na iyon. Ayos naman talaga sa akin iyon. Medyo nainis lang ako sa kanya kanina dahil nagsosorry siya pero tumatawa naman. Hindi ba kapag nagsosorry ka dapat seryoso at hindi tumatawa?

And by the way, calling me spoiled is okay for me. It's really okay for me because I know I'm not spoiled. Why would I be angry? I know myself. I know I'm not like that.

"Paula..." medyo takot kong sinabi at umatras.

"Akala mo porket isa kang Agravante hindi na kita kayang patulan? Pretending to be modest but the truth is, malandi ka naman!" she said to me.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora