KABANATA 33

621 15 0
                                    

Kabanata 33

Name

--

"Hindi mo ba kayang suwayin ang mga magulang mo?" pagod kong tanong kay Blade.

"I can. But I need to talk to Luna," he said.

I sighed. I don't think I can really change what my Mom wants to happen. Kahit sinabi ko na sa kanya ang lahat ng hinanakit ko, hindi pa rin siya titigil sa pagpapares sa akin kay Blade! Pumunta rito si Blade sa shop ko para daw magdate kami. Utos ng mga magulang niya!

"Ikaw lang ang tanging malapit na kaibigan ni Luna kaya hindi na ako tumangging makipag kita sayo. Can you help me convince Luna to talk to me?" Blade asked.

"Pero ang daming paraan, Blade, para makausap si Luna! Baka isipin pa nila na gusto mo ako kaya ka pumayag dito! Mas lalo lang silang hindi titigil!"

"Pero ayaw nga akong kausapin ni Luna! Ikaw nalang ang malalapitan ko. Hindi siya nagpapakita sa akin! She doesn't even answer my calls and texts. So just help me here, please. Hinding hindi rin naman ako papayag sa set up na 'to."

I took a deep breath. I'm so... so... tired of this! I thought after everything I told her, she was going to stop. Pero hindi! Talagang pinipilit niya ang gusto niya! Gusto kong maiyak dahil pakiramdam ko wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko. Why does it seem so easy for her to torture me like this? Anak ba talaga ang turing niya sa akin?

"Let's go. Call Luna and--"

"No. Aalis ako," I said and started walking out of the shop.

"Come on, Michelle! Just this one, please?"

"Pwede ba, Blade? I'm so tired of this set up! Whatever problem you and Luna have, kayo ang umayos niyan. Wag niyo akong idamay!"

"But--"

"Tsaka problema ko ba kung ayaw ka na niyang kausapin? Kasalanan mo 'yan dahil masyado kang playboy!"

Naka labas na kami ng shop.

"Anong playboy? Hindi na nga ako lumalapit sa ibang babae! It was just an accident! I didn't intend to kiss Gabrielle! Siya ang humalik sa akin!"

"Tss. Sa kanya ka magpaliwanag, wag sa'kin! Masyado kang playboy kaya ayaw ka nang tigilan ng mga babae mo ngayon kung kailan nagseseryoso ka na. Karma mo na 'yan!"

"Come on, Michelle! I don't have time for this argument. Just help me out!"

Nakarating na ako sa tapat ng aking kotse pero nakasunod pa rin siya. Hinarap ko siya at iritadong tinignan.

"Wala nga akong panahon sainyo! Kailangan kong kausapin si Mommy dahil gusto kong itigil niya na ang pagse-set up sa atin nang ganito!"

"Do you really think you can convince your mother right away? Your Mom is tough! She will never give in to you! Pero ako, kaya kong sirain ang pagkakasundo na 'to. I also don't want this set up, Michelle! I'm so frustrated! Especially now that my relationship with Luna has been affected because of this! "

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kung ganon isa pa itong dahilan kung bakit sila nagkakalabuan ngayon ni Luna?

"My family doesn't like her. At tingin niya, hindi siya nararapat para sa'kin nang dahil lang do'n!" he said very frustratingly, losing his cool.

Umawang ang bibig ko, hindi na nakapag salita. Nag iwas siya ng tingin sa sobrang galit at ilang sandali ring hindi nagsalita. He took a deep breath, calming himself.

"My family wants you, obviously. At mas nasasaktan siya dahil kaibigan ka niya," he said after a while.

Hindi ako makapaniwala. Hindi 'to sinabi sa akin ni Luna!

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now