KABANATA 20

554 16 0
                                    

Kabanata 20

Date

--

"And where are you going?" nagtaas ng isang kilay si Lorie sa akin.

Natawa ako sa kanya dahil naka pameywang pa siya nang sabihin iyon. Nandito sila sa bahay namin. It's Saturday. They chose to hang out here because they wanted to try out the instruments in our music room with Ate Johan.

"Lalabas lang... uh... kasama si Luna," I lied.

Her eyes narrowed at me. Kinabahan ako dahil mapanuri itong si Lorie. Alam niya kung kailan nagsisinungaling ang isang tao at kung kailan hindi! Masyadong matalino.

"Sige na. Enjoy nalang kayo dyan. Una na ako sainyo," sabi ko at kumaway sa kanila. Matamis akong ngumiti kay Lorie pero umirap lang siya at umiling. Humalakhak ako.

May usapan kami ni Lee na lalabas ngayon. Nagyaya siya ngayong araw. Hindi na ako tumanggi dahil ngayon lang naman ako makaka absent sa mga pinsan ko.

I smiled when I saw Lee waiting outside the mall. He was wearing a gray t-shirt and jeans. While I'm wearing my blue off shoulder dress and I think it just fits in this date. Nagdalawang isip pa kasi ako kanina kung ano ang isusuot ko. Mukhang ayos lang naman pala ito.

"Why are you there? Uma-ambon," sabi ko nang nakalapit.

Lumingon siya sa akin. Ngumiti ako. Agad rin siyang ngumisi at bahagyang lumapit sa akin, his hands in his pockets.

"Hinihintay kita," anya.

Bakit dito siya naghihintay? Uma-ambon na nga.

"Then, let's go. Nandito na ako."

Mas lalo siyang ngumisi at tumango. Giniya niya ako papasok sa loob ng mall. We walked together and I couldn’t help but smile. Panay naman ang sulyap niya sa akin kaya nahuhuli niya ang ngiti ko.

"Why are you smiling?" tanong niya.

"Uh, I'm happy?" uminit ang pisngi ko. Hindi ko kasi mapigilan ang ngiti ko.

Slowly, a small smile crept on his lips. "Why are you happy?"

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Gusto kong ngumuso dahil nagtatanong pa talaga siya ng ganito. Halata naman nang alam niya kung bakit ako masaya pero nagtatanong pa rin.

"Just because. Anong gagawin natin ngayon?" pag iiba ko ng usapan.

He chuckled. Hindi ko na napigilan ang pagnguso.

"Mmm, ikaw? Anong gusto mong gawin? Do you want to watch a movie?"

Movie? We're going to watch a movie together?! I couldn’t help but get excited. I would love that!

"Sige ba! Kaya lang ano naman ang panonoorin natin?" tanong ko.

"Whatever you want."

"Romance?"

"Hmm, you want to watch a romance movie?"

Tumango ako.

"Then, we'll watch one," he smiled.

Napangiti ako ng todo roon! That is exactly what we did. We went to the cinema and ordered a ticket. Nang natapos ay bumili kami ng popcorn at pumasok na sa loob ng sinehan. Hindi ganon kahaba ang pila dahil matagal na itong movie na ito. Marami nang nakanood kaya kaunti nalang ngayon ang nandito.

"Where do you want to sit?" Lee asked while holding our two cupcorns. Hawak ko naman ang mga inumin.

"Ayoko masyado sa harapan, nakakahilo. Sa gitna nalang tayo."

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang