KABANATA 24

490 18 1
                                    

Kabanata 24

Nalilito

--

It's November. Tumigil na ang ulan at maaraw na ulit. I smiled as I watched Ate Johan practice Dad’s newly bought drums for her. Dad knows how she loves music and instrument so... talagang binilhan siya ng drums. Marami naman nang nabili si Dad para sa kanya. Lahat yata ng instrumentong nandito sa music room si Dad ang bumili, o si Mommy. Even this music room was built by Dad because he immediately noticed that Ate loves music.

"Ikaw, Lorie. Do you ever find music interesting?" tanong ni Ate sa katabi ko habang sinusubukan pa rin ang drums.

Napabaling si Lorie na tahimik na kumakain ng chips sa tabi ko. Nagtaas siya ng kilay at sandaling nag isip. We are all here again. It's Saturday. Lee and I are not going out today because he's busy with his studies. Ganon rin ako at ganon rin ang mga pinsan ko kaya maaga lang silang uuwi ngayon.

"Of course. Why?" si Lorie at nagpatuloy sa pagkain niya ng chips.

"Wala lang. Meron ka bang paboritong singer?"

"Syempre meron. Bakit ka ba nagtatanong, Johan?"

Ate chuckled. "Ang sungit naman! Nagtatanong lang dahil akala ko ayaw mo sa mga ganon. You hate people."

"I hate people that so annoying, not people like... everyone."

Nagkibit ng balikat si Ate at tumango. "So if I become famous you will still support me?"

Nagtaas ng isang kilay si Lorie at ngumisi. "What's the difference? You're famous now and I'm still with you. What's the difference, Johan, if you become even more famous?"

Humalakhak na si Ate at ganon na rin kami. May point si Lorie. Bakit nga ba kasi nagtatanong ng ganito si Ate sa kanya?

"I'm just asking because I thought you hate people who's famous tapos malapit sayo. Akala ko kapag sobrang sumikat na, iha-hate mo na kasi kung magulo ang buhay niya, magulo rin ang sayo kasi malapit ka sa kanya."

Humalakhak si Lorie at tumingin kay Ate Johan na bahagyang nakanguso.

"You're so cute. Wag kang mag alala, I will never hate you."

Mas naging busy kami sa school sa mga sumunod na araw. Malapit na kasi ang exam at kailangan kong mag review nang magreview. Ganon rin si Lee kaya hindi na kami madalas nakakalabas tuwing sabado. Tuwing uwian naman kapag may pasok ay sandali lang kaming nakakapag sama at pinapauwi niya na agad ako. Kailangan ko pa daw kasing mag aral at ayaw niyang nang dahil lang sa kanya kaya ako hindi makakapag review.

Hindi naman siya nakaka abala sa akin. Kaya ko pa namang magreview pagkatapos naming magsama. May gabi pa naman. Pero tama siya na kailangan na kailangan na naming magfocus muna sa school. May susunod pa naman at sapat na sa akin ang kaunting oras na kasama ko siya sa tuwing pumupunta ako sa school nila.

Kaya nang natapos ang exam, para akong binigyan ng gantimpala dahil sa paghihintay ko kahit matagal. Lee immediately invited me out on Saturday! I was so excited and also nervous that I didn’t even know what to wear! This is our first time going out again after the long exam days!

Eventually I just wore a sky blue mini dress and then sneakers. I tied my hair in a half ponytail and then put a little make up on my face. I don't know but I can barely remember what Ate Johan did to me then. Simple lang at hindi mo mahahalatang may make up. Iyon ang mga type kong make up.

I brought a white shoulder bag for my phone and wallet. And after that I left home to go to the mall. Ang sabi ni Lee doon nalang kami magkita, he'll be waiting for me. Nakapag paalam na rin ako kay Mommy at Daddy na aalis ako ngayon. Ayoko sanang magsinungaling pero ang sinabi ko ay si Luna ang kasama ko. I’m not really ready to tell them about Lee yet. I don't know but I feel like Mommy will get even angrier the moment she finds out that we're always together like this. Balak ko namang sabihin sa kanila, naghahanap lang ako ng tamang panahon at nag iipon ng lakas ng loob.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora