KABANATA 25

554 15 2
                                    

Kabanata 25

Still

--

"Where are you going?" tanong ni Mommy nang nakita niyang nakabihis ako.

Pababa ako ng hagdan at nandoon sila ni Daddy sa sala. Natigilan ako sandali ngunit agad ring nakabawi at humalik sa pisngi nila.

"I'm going out with... Luna. Nasabi ko na po kay Dad..." I said.

"Baka mamaya puro pagpa-party na ang ginagawa niyo, ha?" nagtaas ng isang kilay si Mommy sa akin.

"Hindi po, Mom. Hindi naman po kami pwede sa mga clubs at bars..."

"Hayaan mo na ang anak mo, Kylie," si Dad.

Mom sighed. "Fine. But be home for our dinner later. We'll have dinner outside with the Castillos."

What? Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Mommy ngunit nang naalala na hindi pa nga pala siya tapos sa pagkakasundo sa amin ni Blade ay bumuntong hininga na lamang ako at tumango.

"Yes, Mom..."

Hindi si Luna ang kikitain ko ngayon. Of course I have to lie again. I feel bad for lying but I can't do anything. Takot ako kay Mommy lalo na kapag nagalit siya sa akin. Ganon rin kay Daddy na hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon kahit di tulad ni Mommy mas mabait siya.

I sighed. Sa ngayon ayoko na munang isipin iyon. I want to enjoy this day again with Lee. Lalabas ulit kami ngayon!

Pumasok ako sa loob ng coffee shop kung saan napagkasunduan naming magkita. Agad ko siyang nakita na nagtaas ng kamay para sa akin. I'm wearing my white dress while he's wearing his usual white t-shirt and jeans. Kahit simple lang ang damit, agaw pansin talaga siya kahit saan.

"Hey, good morning!" bati ko kay Lee nang nakalapit ako.

"Good morning," he said and smiled.

"Sorry, medyo na traffic lang. Kanina ka pa rito?" tanong ko habang umuupo.

"Mmm, yeah but that's okay. May gusto kang kainin?" tanong niya.

"Busog pa ako pero... gusto kong i-try ang red velvet cake nila."

He nodded and stood up. "I'll order for you."

"Ah, hindi na!" mabilis akong tumayo.

Heto na naman siya!

"Pwede namang ako nalang. Hintayin mo nalang ako rito."

"Let's just go together."

Ngumuso ako habang siya ay hinawakan ang kamay ko at hinila na ako para makapag order kami. Pumila kami roon habang tinitignan ang mga meron sila sa itaas.

"Ikaw? Wala kang gusto?" tanong ko kay Lee at bumaling sa kanya.

"I had coffee earlier while I was waiting for you. Busog na ako."

"Sorry natagalan. Traffic talaga kanina, e..." guilty kong sinabi.

"That's okay. Atleast you came," he said.

Napangiti ako at napatitig sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin. Mas lalo akong ngumiti.

"Ang gwapo mo ngayon..."

Nag iwas siya ng tingin. "Thanks..." tipid niyang sagot.

Ilang sandali pa akong napatitig sa kanya. Naalis lang nang kami na ang mag oorder. Napakurap kurap ako ngunit nakipag usap na lamang sa cashier.

Pasulyap sulyap ako kay Lee habang naglalakad kami pabalik sa table namin nang natapos sa pag order.

"Uh... sure ka wala ka nang gustong kainin?" tanong ko nang nakaupo kami.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now