KABANATA 8

608 22 0
                                    

Kabanata 8

Great

--

Hindi na talaga ako nireto ni Mommy sa kahit na sino sa sumunod na araw. Masayang masaya ako at pakiramdam ko nakalaya ako sa kulungan nang napaka raming taon kahit dalawang araw lang naman niya akong pinilit.

"Mina..." bumubulong bulong si ate sa tabi ko habang kumakain kami ng lunch.

"Ano?" kanina pa siya tawag nang tawag sa akin.

"Can you bake for me later? Cupcakes?"

Kumunot ang noo ko. "Ano naman ang gagawin mo roon?"

"Malamang kakainin! Tss. Ano pa bang gagawin don?"

"Ikaw na nga nagpapa bake, ikaw pa galit?"

"Sorry na. Basta bake mo ako mamaya. Please?" she smiled cutely kahit hindi naman siya cute.

"May gagawin ako mamaya," sabay subo sa pagkain ko.

"What? You're going to Lunara again? Ano ba, Mina? Ako naman ngayon ang pagtuunan mo ng pansin!"

"Yuck, ate! Stop it. What are you really going to do with cupcakes? Hindi pwedeng ikaw ang kumain noon dahil ang sabi mo nag da-diet ka. Nagtatampo kang hindi kita pinagba-bake pero alam kong ayaw mong kumain noon dahil ayaw mong tumaba!"

Ngumuso siya. Napatingin na sa amin si Issa dahil kanina pa kami bulungan nang bulungan rito. Si ate kasi bumubulong kaya napapabulong na rin ako.

"Nag aaway ba kayo?" si Lorie na napansin na rin kami.

They all looked at us. Umirap si ate at sumandal sa kanyang upuan. Humalukipkip siya habang ako naman ay ngumisi. Nagpatuloy ako sa pagkain.

"Nagpapa-bake lang ako kay Mina ng cupcakes. Ayaw niya! Si Lunara nalang palagi ang gusto niyang makasama..." pagtatampo pa niya.

Halos maubo ako sa kinakain ko. Nilingon ko siya at natatawa siyang tinignan.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Bakit? Sino bang kakain noong cupcakes?"

"Ako nga! Sino pa bang kakain noon?"

"You said you were on a diet?" si Lorie.

"Oo nga," sabi ko at ngumisi.

"I'm on a diet but I also want to eat! Is it forbidden to eat cupcakes when I'm on a diet?"

"Ayaw mong tumaba," si Lorie ulit na para bang sapat na dahilan na iyon.

"Baka naman para iyon sa pinupuntahan niyang--"

"Mina!" pinandilatan ako ni ate.

Natigil ako at humalakhak.

"Para kanino?" kunot noong tanong ni Issa, nagtataka sa aming dalawa.

"Nothing! Para sa akin lang iyong cupcakes, okay? Kaya i-bake mo na ako, Mina. Ngayon lang naman, eh..."

"Oo na..." natatawa ko pa ring sinabi.

I couldn't go to Luna's school again because of my sister. But it's okay. Minsan lang siya magpabake sa akin kaya pagbibigyan ko na. Besides, I can go to their school tomorrow and the next few days. Ngayon, gusto ko rin munang makasama si ate. Medyo hindi na kami nagkakasama dahil sa pinupuntahan ko at pinupuntahan niya.

"Make sure na masarap yan, ah. Wag masyadong matamis..." palaging dumadaldal si ate.

"Why? He doesn't like too sweet?" panunukso ko.

"Shh!" pinandilatan niya ako.

Tumawa ako at inilingan nalang siya. Nang natapos sa pagba-bake ay nilagay muna namin iyon sa ref at siya umalis. May pupuntahan na naman siya at mukhang nagmamadali. Nagtungo ako sa aking kwarto at naligo. I rested for a while on my bed before doing my homeworks on the study table.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon