KABANATA 4

795 23 4
                                    

Kabanata 4

Ever

--

"Sinabi ko naman sayo na mukha siyang masungit at suplado. Sana hindi mo nalang siya kinausap," si Luna.

We are here at their coffee shop. Malapit lang ito sa school at nilakad lang namin. Nalulungkot ako sa hindi pagtanggap ng kakambal ni Seb sa sorry ko. Akala ko kapag nagsorry na ako sa kanya, mapapatawad na niya ako at hindi na siya magagalit sa akin. Pero tulad ng Mommy nila, galit na galit pa rin siya.

"Umasa lang ako na baka tatanggapin niya ang sorry ko..." nagbaba ako ng tingin sa mga kamay kong nasa table.

"I asked my classmates and my friends at school. Kilala siya ng iba. Nagulat rin daw sila nang nakita nila yang lalaki na yan dahil kilala rin nila si Sebastian."

Nag angat ako ng tingin kay Luna.

"Akala nila si Sebastian iyon kaya natakot sila. Pero ang sabi ng mga kaklase noong lalaki, hindi siya si Sebastian. His name is Constantino Leandros Hidalgo."

Constantino Leandros Hidalgo... Kung ganon kakambal nga siya ni Sebastian. Hindi siya si... Sebastian.

"He's Sebastian's twin! And I can't believe it. Even those who know Sebastian can't believe it either. Wala daw kasing nakukwento si Sebastian na may kakambal siya. Pero ang mga malalapit niyang kaibigan kilala si Leandros."

Hindi na naman siya nawala sa isip ko nang mag gabi na. Hindi ako makatulog. Yakap yakap ko ang malaking teddy bear na binili ni Daddy para sa akin habang nakatitig sa kawalan. Iniisip ang mukha noong Leandros.

Kung ganon Constantino Leandros pala ang pangalan niya. His name is beautiful. Pero wala pa ring makakapantay kay Sebastian. He's my love and heart. Kaya lang... hindi mawala sa isip ko si Leandros. Kamukha siya ni Sebastian at pareho pa sila ng kilos, boses at pananalita. Leandros was just too serious and cold. Their eyes are also different. Pero sa tuwing naiisip ko siya, si Sebastian ang naaalala ko! Pakiramdam ko pa rin siya iyon.

Pumatak ang isang luha galing sa aking mga mata. I missed him so bad. Palagi kaming lumalabas noon pagkatapos ng school. Pero ngayon wala na. Mag isa nalang ako. Hindi ko na siya kasama.

Dumukmo ako sa aking mga tuhod at tahimik na humikbi. What am I going to do? I'm doing everything to forget him but why did something like this happen? Bakit sumulpot si Leandros na kamukhang kamukha ni Seb? Paano ko na siya makakalimutan nito?

Hindi man kami pareho ng school, hindi man kami palaging magkikita, alam ko sa sarili ko na babalik at babalik ako roon palagi. To see Sebastian's face. Sa paraan lang na iyon ako magiging masaya. That way I won't miss him anymore.

Ayos lang naman siguro iyon, diba? I missed him so badly. I want to see his face again.

So the next day, I planned to go to Luna's school again. Palagi akong kinakamusta ni Daddy tuwing umaga kapag nag aagahan kami dahil alam niyang sariwa pa rin sa puso ko ang pagkamatay ni Sebastian. Hindi ko man nasabi sa kanila na nagmamahal na ako, alam pa rin nila ang nararamdaman ko.

"Do you want to travel after your school year? We can travel wherever you want," Daddy said and smiled.

Ngumiti rin ako. "Gusto ko po iyon, Dad!"

"Then, we will go eveywhere you want, okay?"

Tumango ako. Umiling si Mommy na nasa tabi ni Dad.

"Don't spoil your daughter so much, Alfredo. Until now, the Hidalgos are still angry with us, don't forget that."

Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Mommy.

"Kylie..." si Dad.

"Mom, hindi naman kasalanan ni Mina ang nangyari. It was an accident!" Si ate.

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now