KABANATA 12

576 20 1
                                    

Kabanata 12

Sweet

--

"Oh my gosh? Are you really jealous with Janelle Rodriguez?"

Hindi ako sumagot sa tanong ni Luna.

Hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong niya. Ewan ko ba. Magulo ang isip ko. Nalilito ako. At sa totoo lang iyan rin ang tanong ko sa sarili ko. Kamukha niya si Sebastian kaya feeling ko si Seb ang may kasamang iba kaya ako nagseselos. Pero bakit hindi ko pa rin maalis ang selos ko? Alam ko naman nang magkaiba sila pero bakit nagseselos pa rin ako?

Pumikit ako ng mariin at humawak sa sintido ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko. O dapat bang may isipin ako? Hindi ko naman na dapat ito problemahin pa dahil alam ko sa sarili ko na nakikita ko lang si Seb sa kanya.

Pero bakit hanggang ngayon, sa tuwing naiisip ko ang paghawak ni Janelle sa braso ni Lee na para bang girlfriend siya, naiinis pa rin ako?

"Nakikita mo si Seb sa kanya pero imposible naman yata na magselos ka ng ganyan katindi? That you don't want to be with him anymore?"

Nandito ulit kami sa coffee shop nila. Pag aari ito ng mga Valdez. Wala akong gustong puntahan kundi ito dahil ayokong maglakad lakad sa mall, hindi ako makakapag isip ng maayos roon. Luna also likes it here because she wants to visit their shop.

"Hindi naman sa ganon. Gusto ko ring mag isip dahil naguguluhan rin ako kaya gusto ko muna rito. Besides, you haven't experienced this yet so how can you say it's impossible?" sabi ko.

"Sa bagay..." ngumuso siya at sumipsip sa kanyang kape.

"Tsaka hindi ako ganon nagseselos..."

Umirap siya roon. "Hindi nagseselos pero ayaw mo siyang makasama?"

"Gusto ko lang mag isip!"

"Pero hindi ka makatingin sa kanya ng deretso kanina? You didn't even give him a chance to say goodbye to you properly! Hinila mo na ako agad para maka alis na roon. Para hindi mo na makita ang braso ni Janelle na nakakapit sa kanya, diba?" nagtaas siya ng isang kilay.

Hindi ako nakapag salita ng ilang sandali sa sinabi niya. Nagbaba ako ng tingin.

"Naguguluhan ako..."

She sighed. "Fine. Naguguluhan ka. Nakikita mo si Seb sa kanya at nagseselos ka. Pero si Lee iyon, Mina. Lee! Leandros! Constantino Leandros Hidalgo! Hindi siya si Sebastian! Bakit nagseselos ka pa rin gayong alam mo namang magkaiba silang tao?"

"Hindi mo kasi alam kapag ganito ang sitwasyon mo, Luna. Magkamukhang magkamuka sila. Ikaw nga. Kapag may tao kang mahal at nawala, tapos may susulpot na kamukhang kamukha niya, anong mararamdaman mo? Lalo na kapag nakita mong may kasama siyang iba?"

Hindi siya nakapag salita roon. Napaisip rin siya. I sighed and leaned back in my chair. I closed my eyes for a while while calming myself as well as my brain.

Hindi na dapat ako mag isip ng kung ano, diba? Nakikita ko lang si Seb sa kanya at wala nang iba roon. Iyon lang ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Iyon lang!

"O-Okay. Naiintindihan na kita. I'm sorry..." si Luna nang nakapag isip isip.

I sighed and opened my eyes. Tumingin ako sa kanya.

"Ano nang plano mong gawin ngayon? Kung ganyan na ang nararamdaman mo, magpapatuloy ka pa rin ba sa pagpunta sa school namin?"

Hindi agad ako nakasagot roon. Nag isip ako sandali. Bago palang si Lee sa school nila Luna at wala pa akong nababalitaan na may girlfriend siya. Hindi niya sinabi na may girlfriend siya pero kung may girlfriend man siya, hindi naman siguro siya papayag na makasama ako tuwing uwian, diba? Hindi ba dapat girlfriend ang kasama mo kapag gumagawa ng assignment? Nagkukwentuhan at kumakain ng sabay?

Every Beat of Heart (Agravante Series #2)Where stories live. Discover now