Chapter 1

263K 10.7K 18.4K
                                    

Simula...


"KABABAENG TAO, PALAMURA."


So lalaki lang pwede magmura?


"Ang aga nagbo-boyfriend, baka kinabukasan lang mamalayan na lang natin na nabuntisan na 'yan."


Iyong isang kapitbahay namin na nagsabing maaga akong mabubuntis, ayun at mas nauna pa ang anak niyang mabuntis kaysa sa akin.


"Puro lalaki palagi kasama. Di magandang tingnan. Masakit sa mata."


Kasalanan bang marami akong tropang lalaki kaysa babae? Saka masakit pala sa mata, e bakit tinitingnan pa nila?'Tanginang mindset 'yan.


"Saan pa ba niya mamamana ang landi? Kundi sa ina."


Okay, I rest my case.


"Kamulatan ba naman niyang kabit ang nanay niya, lumaki sa baluktot kaya ganyan ugali."


Natigil ang chismisan nang huminto ako sa tapat ng tindahan. 


"Pabarya nga ng two-hundred," sabi ko sa tindera.


Kung may barya lang ako ay hindi ako dadaan dito sa tindahan, lalo pa't paborito kami ng mommy ko na ipulutan dito ng mga chismosa ng bayan.


Iyong nangunguna sa chismis na si Aling Agnes ay agad na lumapit sa akin. "Carlyn, kumusta mommy mo?"


Nginitian ko siya. "Ayun po, maganda pa rin."


"Kow, sino ba di gaganda? Pensionada siya at walang trabaho," sabat ni Aling Barbara, ang tindera na pinagpapabaryahan ko.


Nginitian ko rin siya. "Ganoon po kasi pag maganda, laging may ayuda."


"Ikaw ba ay may boyfriend na?" ani Aling Agnes na nakatikwas pa ang nguso.


"Manliligaw lang po," sagot ko na magalang pa rin. Totoo naman na maraming nanliligaw sa akin. Ayaw ko lang magsinungaling.


"Sus? Ligaw-ligaw, e baka mabalitaan na lang namin, buntis ka na."


Nagtagis ang mga ngipin ko. Kaunti pa naman ang stock kong pasensiya tuwing umaga. Sana makatiis pa ako hanggang sa maibigay sa akin ni Aling Barbara ang pinababarya ko.


E hindi pa rin tumitigil si Aling Agnes. Gusto talaga yata akong sagarin. "Ku, bakit nagpapaligaw ka ay kaybata mo pa. 17 ka pa lang yata, ah!"


Ngumiti pa rin ako kahit asar na. "Aling Agnes, normal lang po maligawan kapag maganda. Bale, di makakarelate yung anak niyong si Carla."


Nagusot ang mukha niya sa sinabi ko. 


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon