Chapter 52

174K 9.6K 4.7K
                                    

DID WE REALLY DO THAT?

Buong linggo ako na hindi natahimik sa kakaisip sa sinabi ni Jordan. Hindi ko talaga maalala dahil siguro bangenge ako sa kalasingan. Hindi na ako ganoon kalakas mag-inom katulad ng dati, 'tapos ang lakas pa ng tama ng tinira kong alak.

Naibato ko ang unan sa pader dahil nakita ko sa bintana ang pagpasok ng kotse niya sa lawn. Nandito na naman siya. Ang nagbukas sa kanya ng gate ay si Nanette.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya punta nang punta samantalang palagi namang wala si Ninong Luis dito dahil abala ang step-father ko sa pag-aasikaso ng ilang negosyo.

Hindi rin naman siya nahaharap ni Mommy dahil puyat lagi ang babae sa pag-aalaga ng sanggol.

Pumupunta si Jordan sa kahit anong araw at oras niya gusto. Nagugulat na lang ako na nandito siya. Ang kinakausap lang naman niya pag pumupunta rito ay si Levi lang.

Hindi ako lumabas maghapon. Kahit nang magutom ako ay hindi pa rin ako nag-abala na pumunta ng kusina. Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng kung anu-anong article sa Internet na tungkol sa pagtatayo ng negosyo.

Bandang alas tres nang hindi ko na kinaya ang pagkauhaw. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na nasa lawn pa rin ang kulay puting Porsche. Ang may ari niyon ay hindi ko alam kung saang lupalop ng bahay naroroon.

Maybe he was in Levi's room. Baka naglalaro sila ng PS4 ng kapatid ko? O kaya nasa garden at nagkukwentuhan. And their topic, the Marvel heroes vs DC heroes again.

Dahil sa uhaw ay lumabas na ako ng kwarto. Tahimik ang paligid kaya malamang na kung wala sa kwarto si Levi ay nasa garden ang bata. For sure, he was with his Ninong Jordan. Mabuti dahil hindi ko makikita ang lalaking iyon.

Binilisan ko ang paghakbang. Pagbaba ko ay muntik akong madulas nang makitang nasa baba ng hagdan mismo si Jordan. Nakasandal siya sa pader at nakatingala sa akin. Nakataas ang isa sa makakapal niyang kilay.

Kahit hindi siya magsalita ay dama ko ang pang-uuyam ng mga titig niya. Hindi siya tanga para hindi niya mahalata na umiiwas ako.

Tama naman dahil totoo lang na ayaw ko siyang makita. Isang linggo ko nang ginagawa ang lahat para hindi mag-krus ang landas namin dito sa tuwing pupunta siya.

Hinamig ko ang sarili at kaswal na nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan. Kailangan ko lang na makalampas sa kanya. Ang akala ko ay magtatagumpay ako nang humakbang siya pasalubong sa akin.

"What do you want?" sita ko sa kanya dahil hantaran na siyang humaharang sa daan.

"I'm waiting for Levi."

Kilay ko naman ang tumaas. Nang umangat ang gilid ng kanyang bibig ay nag-init na ang ulo ko.

"Get the fuck out of my way," mariing bigkas ko.

Gusto kong maging kaswal, formal at kung maaari lang sana ay maging kalmado, but this man was getting into my nerves.

We were not friends to start with. Alam niya ang dahilan, alam niya kung bakit ganito kami pero nakakairita na parang wala lang sa kanya.

Nang magbigay daan siya ay binangga ko siya sa braso saka ako mabibigat ang mga paa na naglakad patungo sa kusina. Paharabas na binuksan ko ang ref para kumuha ng pitsel ng tubig.

Nakatingin sa akin si Nanette na naghuhugas ng mga plato. Nagtataka marahil siya kung bakit badtrip ako. "Ma'am Carlyn, hinihintay po kayo ni Architect. Nagkita na po kayo—"

Pabagsak kong ibinaba ang baso sa island table. Sa gulat ni Nanette ay hindi niya naituloy ang sinasabi. Humingi naman ako ng pasensiya sa kanya bago ako umalis ng kusina.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon