Chapter 34

141K 8.5K 4.8K
                                    

CARSAIAH PA RIN!


Kumibot ang sentido ko sa post ni Nelly two hours ago. Nagpost ng mga photos naming dalawa ni Isaiah noong magkaka-klase pa kami. Karamihan ay kuha kapag breaktime namin. Photos ng mga jamming.


Nasa jeep ako ngayon papunta sa Pascam para puntahan si Jordan. Habang nasa byahe ay naisipan kong magbukas ng newsfeed. At ito nga ang tumambad sa akin—mga photos namin ni Isaiah na punong-puno ng malisya.


May malisya talaga kung hindi mo kami kilala. Kasi kung titingnan ang mga photos ay para kaming magjowa.


Karamihan sa mga ito ay halos magdikit na ang mukha namin ni Isaiah. May kuha rin na nakaakbay siya sa akin habang nakakatitig ako sa lalaki. Iyong titig na parang patay na patay ako sa kanyang hayup siya.


Ang pinakamalala ay may photos din kami na kinuha noong birthday ni Asher. Inuman ito at lasing ako. Katabi kong nakaupo si si Isaiah sa sofa. Halos magkayakap na kami kung titingnan pero ang totoo ay inaalalayan niya lang ako dahil nga lasing na ako.


Napamura ako sa huling photo. Di ko alam na may ganito. Kuha namin ni Isaiah na pinupunasan niya ako ng pawis sa noo gamit ang laylayan ng mismong t-shirt na suot niya.


Tangina, sobrang lasing ko talaga kasi nito. Badtrip ako nang time na ito. Nakabangga ko si Daddy sa SM Dasma. Wala naman akong pakialam kahit hindi niya ako pansisin, ang kaso, narinig ko na ikinaila niya ako sa kanyang mga kasamang kaibigan. Na-imbyerna ako kaya hayun, napainom ako nang matindi sa birthday ni Asher noong kinahapunan.


Ang daming likes. Ang benta ng post. Lahat yata ng photo may likes at comments. Humihiling ng comeback na akala mo naman may mga bilang sa lipunan.


Hindi rin syempre mawawala ang comments ng dalawang salot na sina Miko at Asher.


Asher James Prudente: Parang kailan lang ang lalakas pa ng mga ito at kasama pa natin sila. Kakamiss.. :(


Miko Pangilinan: If "Happy Ever After" did exist I would still be holding you like this – Isaiah Sad boi of Brgy. Pasong Kawayan Dos.


Kumibot ang sentido ko. Parang gusto kong manuntok ng katabi ko rito sa jeep.


May humabol pang isang comment na lalong nagpakulo ng aking dugo. Galing kay Charles Felix Columna. Nakakaurat kaya di ko na pinagkaabalahang basahin pa.


Ipi-pm ko sana si Nelly nang biglang mag-text naman si Jordan. Tinatanong niya kung nasaan na ako. Napataas ang isang kilay ko nang mapag-isip-isip.


Bakit pala ako pinapapunta ni Jordan sa kanila? Never niya pa akong inutusan na puntahan siya kahit kailan.


Siya ang madalas na sumusulpot sa amin. At isa pang nakapagtataka, gabi na ngayon. 7:00pm na. Parang nakakapagtaka na ako pa ang pinapunta niya kahit ganito na ang oras.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon