Chapter 45

154K 9.6K 4.8K
                                    

PHILIPPINES.


Nang lumapag ang eroplano na aking kinalulunan ay saka lang ako dumilat. Inalis ko ang earphones sa aking magkabilang tainga saka nag-inat ng mga braso. Pinatunog ko rin ang leeg ko na nanakit dahil sa matagal na pagkakasandal.


Ilang taon na ba?


Anim na  taon nang umalis ako. Matapos kong magdesisyon noon na sasama ako sa panganay kong half-sister pagpunta sa Singapore ay hindi na ako bumalik.


Sa huling dalawang araw ko sa Cavite ay nakuha ko pang bisitahin ang best friend ko na si Sussie. Nakapag-kwentuhan pa kami. Sinamahan ko pa siya sa bar na pinagsa-sideline-an ni Arkanghel bilang gitarista. Nakapag-inom pa ako nang slight, na akala mo wala akong iniindang sakit sa bato.


Nagpahapyaw na ako kay Sussie sa aking pag-alis. Sinabi ko na mula sa Singapore ay pupunta pa ako sa mas malayong bansa, na hindi naman totoo. Gusto ko lang na maging ready siya na matagal na ulit kami na hindi magkikita. Or baka nga hindi na.


Pagkatapos nang gabing iyon ay nag-deactivate na ako sa lahat ng social media. Itinapon ko rin ang aking gamit na sim.


Nag ala Sussie 2.0 ako. Sa kanya ko talaga nakuha ang idea. Alam ko na magtatampo siya. Umaasa na lang ako na sana sa huli ay maiintindihan niya.


Kinabukasan ay nagpahatid na ako kay Ninong Luis sa Manila. Doon ako hinihintay ni Ate Jade. Todo ang pagpigil sa akin ni Mommy sa biglaan kong pag-alis. Hindi rin naman niya ako napigilan dahil desidido na ako. Nagtampo siya at hindi ako kinausap hanggang sa makaalis ako ng Pilipinas.


After a month, sumuko rin si Mommy at sinundan ako sa Singapore. Pinilit niya akong pauwiin, but I refused. Ipinakita ko sa kanya na maayos ako at wala talagang balak na sumama sa kanya. Masama ang loob niya na bumalik ng Pilipinas na hindi ako kasama.


Hanggang sa kasal nila ni Ninong Luis ay hindi ako umuwi. Naging mahirap ang communication sa amin dahil sa bukod sa palagi akong busy sa school ay wala akong social media accounts.


Lumipas ang mga taon na napagod na si Mommy sa pagpupumilit na makausap ako nang maayos. Dahil palagi akong uncontacted ay sinasadya niya na lang ako sa Singapore. Sa madalas nga lang na pagdalaw niya ay palagi naman akong wala.


Kahit ayaw ni Ate Jade ay wala siyang nagawa nang mag-apply ako na caretaker sa kung saan-saang bahay. Wala akong permit sa pagta-trabaho kaya palipat-lipat ako ng amo. Pinagsasabay ko ang pagke-caretaker sa pag-aaral ko. I really made myself busy.


Sa kakatrabaho ko ay hindi ako nakatapos sa pag-aaral. Palagi akong pagod. Palipat-lipat ng trabaho. Mula sa pagiging caretaker ng iba't ibang bahay, naging tour guide ako sa Singapore, nag-part time model, at naging singer sa isang hotel doon.


Ilang beses akong pinatigil ni Ate Jade sa pagta-trabaho. Gusto niya akong pabalikin sa pag-aaral. Gusto niya rin na lagi akong nakikita. Gusto niya akong bantayan na kulang na lang ay itali niya ako sa kanyang bewang. Wala siyang tiwala sa akin e. Takot na takot siya na maulit iyong nangyari sa akin noon.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon