Chapter 55

193K 10.4K 6.3K
                                    

MATINIS NA TILI ANG PUMUNO SA BUONG KWARTO.

Nakaawang ang mga labi ni Jordan habang tigagal sa akin. Nang mahimasmasan ay saka siya yumuko at pagkatapos ay tumalikod. "I'm sorry."

Sunod-sunod ang mura ko. Walang kaso sa akin kahit gaano ka-sexy at ka-revealing ang aking suot as long that I had something to cover my private parts. Hindi iyong ganitong hubo't hubad!

Itinukod ko ang aking palad sa sahig para tumayo pero dumulas lang ulit ako paupo. Nagbuga si Jordan ng hangin saka humakbang palapit sa akin.

"What are you doing?!" singhal ko sa kanya sabay biglang yakap sa aking kahubaran.

Hindi siya kumibo. Dire-dretso siya sa kama ko nang hindi tumitingin sa akin. Kinuha niya ang kumot sa ibabaw at wala pa ring tingin na inabot sa akin.

Sandali akong napatitig sa kumot bago ko iyon pahablot na inabot. Ibinalabal ko iyon agad sa aking hubad na katawan.

Saka lang tumingin si Jordan sa akin. Yumukod siya at hinawakan ako sa siko. "Can you get up?"

Hindi ko siya sinagot. Basta ako humawak sa braso niya para kumuha roon ng suporta. Inalalayan niya naman akong makatayo.

"Kukuhanan ulit kita ng tubig para makapagbanlaw ka."

Dinampot niya ang natumbang timba at dinala palabas ng kwarto. Nang ako na lang mag-isa ay napangiwi ako sa nakitang itsura ng sahig. Naglalawa ang tubig sa paligid. Mabuti na lang at walang gamit na nakalapag. Walang nabasa maliban sa basahan at paahan ng kama.

Lumakad ako pabalik sa banyo. Nakangiwi ako nang kumirot ang aking balakang. Napilayan yata ako pati sa tadyang. Iinuman ko na lang ng Mefenamic mamaya. Sa ngayon ay kailangan ko munang magbanlaw.

Nasa loob na ako ng banyo nang kumatok si Jordan. Binuksan ko ang pinto dahil nakabalabal pa rin naman sa akin ang kumot. Dala niya na ang isang timba na puno ng tubig. "Kasya na ba ito?"

Tumango lang ako.

Hinayaan kong siya na ang magpasok ng timba sa loob ng banyo dahil punong-puno iyon at alam ko na hindi ko kakayaning buhatin.

Pagkalapag niya sa balde ay tahimik na siyang lumabas ulit ng banyo. Isinara ko naman agad ang pinto. Ang tagal ko pang tumulala bago nagbanlaw. Twenty minutes yata ako sa loob bago natapos.

Inabot ko ang tuwalya na nakasabit sa towel holder at ipinampunas sa aking katawan. Itinapis ko rin iyon pagkatapos. Ang kumot naman na nabasa na ay iniwan ko sa hamper.

Marahan ang bawat hakbang ko patungo sa pinto dahil masakit talaga ang aking balakang at tadyang.

Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako nang makitang nasa kwarto ko pa si Jordan. Shirt, jeans, specs, minus the shoes. Naka-tsinelas na lang sa paanan. May hawak siyang mop at pawisan ang kanyang noo habang tinutuyo niya ang sahig.

Sandali siyang huminto at tumingin sa akin. "I'll just finish this."

Binawi ko na ang tingin ko sa kanya. Pumunta ako sa closet at kumuha ng idadamit. Underwears, shorts, at shirt. Paglingon ko ulit kay Jordan ay pinipiga niya na ang mop sa isang balde. Kaunti na lang ang tubig sa paligid.

Dahil nakatalikod siya sa gawi ko ay hindi na ako nag-abalang bumalik sa banyo. Dito ko na isinuot ang aking lacey thong. Pinagpawisan ako dahil ang hirap yumuko. Sinikap kong makalakad patungo sa kama. Naupo ako sa gilid at napaungol sa sakit.

Lumingon si Jordan sa akin. "Are you okay?"

"Do I look like I'm okay?"

"Do you need help?" Ang kulay tanso niyang mga mata sa ilalim ng suot na salamin ay nakatutok sa hawak kong mga damit.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon