Chapter 20

153K 9.5K 8.9K
                                    

"SORRY NA. TAHAN NA."


"I hate you," hikbi ko saka siya walang lakas na itinutulak. "Inaaway mo ko!"


Nasa gilid kami ng tindahan. Yakap niya ako at pinupunasan ang aking luhaang pisngi. "Sorry na..."


Tiningala ko siya at tiningnan nang matalim. "Bakit ang salbahe mo ngayon, ha?! Inaano ba kita?!"


"Sorry..." mahinang sabi niya ulit. Pati ang magandang uri ng mga mata niya ay humihingi sa akin ng patawad.


Napayuko ako at humihikbi pa rin. Sinikap kong kalmahin ang sarili dahil pinagtitinginan na kami ng mga dumaraang estudyante.


Hinaplos niya ang buhok ko para pakalmahin ako. "Tahan na, tinitingnan ka nila o..."


Itinulak ko siya. Hinuli niya naman ang mga kamay ko.


"Gusto mong magmeryenda?" narinig kong mahinang sabi ni Jordan. "Gusto mong kumain?"


"Bakit hindi si Lou ang yayain mong magmeryenda?!" Tinabig ko siya at balak ko sanang lumayo pero hindi niya binibitiwan ang kamay ko.


Pinagsalikop niya ang mga kamay namin tapos hinila niya na ako. "Halika na..."


"Ayoko ngang kumain e. Gusto ko nang umuwi."


Hindi niya pinatulan ang pagta-tantrums ko. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Kalmado lang siya hanggang sa tumawid kami ng kalsada.


Ayaw niya akong bitiwan kahit anong hila ko kaya hinayaan ko na lang siya. Sumakay kami sa jeep na magkahawak-kamay pa rin. Nakasimangot ako at hindi ako tumitingin sa kanya.


Masama pa rin ang loob ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ba ako nagkaganoon? Bakit ang sensitive ko naman masyado?


Pagkabayad niya ay narinig ko siyang nagsalita. "Anong oras ka na natulog noong birthday mo."


Hindi tonong patanong iyong sinabi niya. Nang tingnan ko siya ay hindi siya sa akin nakatingin. Seryoso ang kulay tanso niyang mga mata na nakatutok sa ibang direksyon.


Ngumuso ako. "Hindi ko na matandaan."


"May ginawa ka pa ba pag-alis ko?"


Doon na ako natigilan. "A-anong ginawa?"


Nang ibaba niya ang paningin sa akin ay napahugot ako ng paghinga. Para akong biglang nalunod.


Mabuti na lang at nakarating na kami agad sa Malabon. Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit. Magaan lang naman iyon kasi tatlong notebook lang ang dala ko tapos isang ballpen. Nakalimutan ko iyong kikay pouch ko na kinalalagyan ng compact powder, lip tint, eyebrow pencil at saka eyelash curler ko. May nail cutter din ako roon saka box of toothpick.


"Bakit ang gaan ng bag mo?" puna niya habang naglalakad kami patungo sa paradahan ng tricycle patungong Pasong Camachile.


"Hindi ko kasi nadala iyong make up kit ko."


"Hindi mo naman kailangan niyon," bulong niya na umabot sa pandinig ko.


Sa likod kami ng tricycle sumakay. Pinauna niya ako. Umaandar na nang magring ang phone niya.


"Si Mommy. Sagutin ko lang," paalam niya saka sinagot ang tawag.


Dahil magkatabi kami sa loob ay wala akong choice kung hindi ang makinig sa usapan nila ni Mrs. Herrera. Mukhang pinauuwi siya ng maaga.


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon