Chapter 6

146K 8.6K 4.8K
                                    

SHE WILL NEVER BE.


She will never be? E di don't! Pero bakit kahit nabigay niya na sa akin ang cellphone ko at tapos na rin niyang kausapin ang kanyang mommy, hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko?


"Maganda ba?" nang-aasar na tanong ko sa kanya dahil nakatitig pa rin siya sa aking mukha.


Napakurap siya at naglapat ang mapulang mga labi. Pikon naman.


"Bumalik ka na sa room mo," supladong sabi niya.


Tinaasan ko siya ng kilay dahil naiinis ako sa kanya. "Ayoko nga. Tatay ko nga di ko sinusunod, ikaw pa kaya?"


Nangunot ang makinis niyang noo pero wala naman siyang sinabi. Sa huli ay iniiwas niya sa akin ang kanyang kulay brown na mga mata.


"Ikaw ang pumasok na. Bakit ba nandito ka pa? Nasa akin naman na iyong phone ko at nasa 'yo na rin ang iyo." Humalukipkip ako. "Alis na. Titig-titig pa, kapag na-fall ka sa akin, di kita sasaluhin."


Umawang ang mapula niyang mga labi pero nang makabawi ay muli iyong naglapat. Nakasimangot siya nang ilagay sa kanyang bulsa ang phone.


"For your information, you will never be my boyfriend din, no. Hindi ko type mga katulad mong boring." Hindi ko na napigilan ang bibig ko dahil naiinis talaga ako sa kanya.


Hindi siya sumagot. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya nang tumalikod. Mukhang nagalit.


"Jordan, sandali!" habol ko sa kanya.


Hindi niya ako pinansin. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad. Napakasuplado.


"Hoy!" sigaw ko.


Wala pa rin. Di pa rin ako nililingon. Nagtampo ang lolo.


"Hoy, Jordan!" sigaw ko ulit. "Bukas zipper mo!"


Doon siya biglang huminto.


Sukat ay napangisi ako.


Auto yuko siya para icheck ang dapat icheck.


Bago pa niya marealized na pinagtitripan ko lang siya, nanakbo na agad ako paalis. Mabuti nga sa kanya, napakahambog niya.




PAUWI na ako at maaga akong nakauwi dahil may meeting ang mga teachers ngayon.


Nakasabay ko sa eskinita ang isa naming kapitbahay, si Aling Agnes. May bitbit siyang bayong, mukhang galing siya sa talipapa. Nang makita ako ay huminto siya. "Nandiyan daddy mo."


Kahit nabigla ay hindi ako nagpahalata. Dirediretso ako pauwi. Sa tapat ng bahay namin ay may nakaparadang pulang Toyota Rav4. Napa-tsk ako at nagmabilis sa paglalakad at pumasok sa gate.


"Clara, hihiwalayan ko na ang asawa ko. Sigurado na ako na gusto ko na siyang hiwalayan. Tutal malaki na ang anak namin, wala nang dahilan para magsama pa kami." Maririnig na boses ni Daddy mula sa sala ng bungalow.


"Kung ganoon, mapag-aaral mo na ba sa pribadong paaralan si Carlyn? Iyong anak mo kay Becky, nasa private. Sana naman maging patas ka sa anak mo sa akin." Boses ni Mommy.


Hindi na ako nakatiis na hindi pumasok sa loob. Natigilan sa paguusap ang dalawa.


"Darling!" gulat na sambit ni Mommy. Hindi niya inaasahan na maaga akong makakauwi ngayon.


Ang mga mata ko ay tumuon kay Daddy na katabi nakatayo sa harapan namin. Ganoon pa rin ang itsura ng lalaki kahit umeedad na. Matangkad pa rin, guwapo, ang kaso ay dad bod na. Bahagyang malaki na ang tiyan. "Bakit nandito ka?"


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon