Chapter 27

145K 8.8K 6.6K
                                    

YOUR BOYFRIEND IS NOT DOING A GOOD JOB.

Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi ni Jordan. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos niyon. Tahimik na lang siya sa tabi ko, at sobrang nakakailang. Lalo kapag aksidenteng nagdidikit ang mga siko naming dalawa. Lintek na tricycle kasi ito ang sikip.


Sinubukan kong lumayo nang kaunti sa kanya pero tiningnan niya ako na parang sinasabing wag na akong magsayang ng effort dahil nagmumukha lang akong tanga.


Napalabi ako at hindi na lang huminga sa kinauupuan ko. Pag-angat ng paningin ko sa salamin na nasa harap ng tricycle ay nakita kong nakatingin din pala roon si Jordan. Auto iwas na naman ulit ako ng tingin. Kunwari na lang nilalaro ko iyong lace ng ID ko.


Papasok na ng Navarro ang sinasakyan namin nang mag-ring ang phone niya sa bulsa. Ring nang ring pero hindi niya pinapansin.


"Iyong phone mo," sabi ko nang hindi na makatiis.


Saka lang niya kinuha ang phone niya. Dahil magkatabi kami ay nakita ko ang pangalan ng mommy niya sa screen. Nang matapos ang call ay sumunod na tumawag si Jillian. Pareho na hindi niya iyon sinagot.


Napayuko ako nang makitang nilagay niya sa silent ang phone at muling ibalik sa bulsa ng school pants niya.


"Magpa-diretso ka na sa inyo," sabi ko nang malapit na sa amin ang tricycle.


"Makikiinom ako."


Kumuyom ang mga palad ko.


Paghinto ng tricycle sa tapat ng gate namin ay nauna siyang bumaba. Nakabukas na ang payong para hindi kami parehong mabasa.


Pagbaba ay nasa gate na agad si Mommy. Mukhang sasalubungin niya rin ako ng payong kaya lang nakita niya na kami ni Jordan. Napangiti agad siya. "Jordan, thank you sa paghatid sa dalaga ko!"


Pagpasok namin sa sala ay ngiting-ngiti si Mommy habang inaasikaso niya si Jordan. Parang iyon ang anak niya at hindi ako. Mas namiss niya yata kaysa sa akin.


Pagkahubad ko ng sapatos ay tinawag ko si Mommy. "My, sa kwarto muna ako. May assignment ako na kailangang tapusin e."


"Magpatulong ka jay Jordan."


"Hindi na. Uuwi na 'yan."


"I can stay," sabi ni Jordan na hindi ko inaasahan.


Nang lingunin ko siya ay nakangiti siya sa akin. Parang kanina lang ang sungit-sungit niya sa tricycle. Plastic. "Magbihis ka na. Hihintayin kita rito. Gawin natin iyong assignment mo."


Napanganga ako. Seryoso ba siya?


Masayang itinulak naman ako ni Mommy papunta sa kwarto ko. "Darling, bilisan mong magbihis. Wag mong paghintayin si Jordan, okay?"


Naitirik ko na lang ang mga mata ko. Pagpasok ko sa kwarto ay naghanap ako ng ibibihis. Isang spaghetti romper na plain yellow ang isinuot ko. Ang buhok ko ay basta ko na lang itinaas into a bun nang hindi man lang sinusuklay.


Bitbit ang hiniram kong libro ng Physical Sciences kay Isaiah ay lumabas na ako ng kwarto. Nandoon pa rin si Jordan. Plain white T-shirt na lang ang pang itaas niya. Hinubad niya na ang suot niyang school polo kanina at ewan ko kung saan niya inilagay. Nasa bag niya yata.


Inilapag ko sa center table ang libro at ang notebook ko. "May papel ka ba? One whole?" tanong ko sa kanya.


Nakalimutan ko na wala pala kasi akong papel. Actually, never akong nagkaroon ng papel. Sa room kasi ay nanghihingi lang ako o kaya umaasa sa supply nina Isaiah.


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon