Chapter 10

148K 8.7K 3.3K
                                    

ADD FRIEND.


Hindi ko na pinag-isipan, click agad. Pagkahigang-pagkahiga ko sa kama, kinutingting ko agad ang phone ko at hinanap ang Facebook ni Jordan Moises Herrera.


Nadismaya ako dahil private ang profile niya. Ang tanging kita lamang ay ang cover at profile photo. Ang cover photo niya ay babaeng leon at may nakasulat na "Lioness, filled with beauty and rage"


Ang profile naman ay candid shot niya. Nakasuot siya ng white cap, nakasideview kaya kitang-kita ang mataas na nose bridge at long lashes. Sino kaya ang kumuha ng photo na ito sa kanya?


Nangangati na akong i-stalk ang timeline niya ang kaso lang nakaprivate nga siya. Hindi ko sigurado kung active siya sa Facebook dahil ang mga estudyanteng katulad niya ay parang hindi naman mahilig sa social media.


Napabuntong-hininga ako. Thirty minutes na ang lumipas, hindi pa rin niya ako ina-accept. Mukhang hindi nga siya active. Patulog na ako nang maisipan kong mag-selfie. Ngumuso ako sa cam saka nag-peace sign.


Nelly Madlangbayan: Pretty! *heart emoticon*


Saglit lang ay may 100 reactions na ang picture ko. Karamihan ay puso mula sa kung sino-sinong lalaki sa friendlist ko.


May mga comments na ang ganda ko raw, ang fresh, at may dumidiga pa. Ang comment ng lintek na si Charles Felix Columna ang nagpakulo ng dugo ko.


Charles Felix Columna: Baby...


Umani iyon ng 50 reacts. Karamihan heart. May kaunting haha at wow.


Matapos akong paringgan noon sa post niya, binibaby niya ako ngayon?


Nagpop up ang chat head sa phone ko.


Charles: Carlyn, ok ka lang ba? Ngayon ko lang nalaman ang nangyari kanina. Sorry sa ginawa ng kapatid ko. Kinausap ko na siya. Sana di ka galit.


Hindi na ako nag-abalang magreply, inignore message ko siya agad. Ganda-ganda ng gabi ko, sisirain niya lang punyeta siya.


Saka gigil pa rin ako sa kapatid niya. Never in a million years na gugustuhin ko iyong maging hipag. Ang gusto kong maging hipag ay iyong matino, mabait, matalino, kasing ganda ko saka iyong paghahainan ako ng KFC!


Nag-scroll ako sa newsfeed ko at may isa pang panira ng gabi. Lumabas lang naman sa feed ang new profile photo ni Isaiah. Katabi niya rito si Vivi at pareho silang naka-smile sa camera. Naka-couple shirts na red. Napaismid ako. Kuha ang pic na ito sa nakaraang battle of the bands.





"ANONG GUSTO MO SA DEBUT MO?"


Boses ni Mommy na sumalubong sa akin kinabukasan. Himala na ang aga-aga, gising na siya. Kakapasok ko lang sa pinto ng sala dahil kararating lang ng delivery boy na naghatid ng breakfast kong Yum burger, fries and chocolate hot drink. Nagising kasi ako kanina nang gutom at wala namang ibang makakain sa kusina namin kaya umorder ako.


"Carlyn," untag ni Mommy sa akin. 


Nasa harapan ko siya. Ang suot niya ay ang pangmalakasan niyang nightdress na halos wala ng itago sa kanyang katawan. Okay lang naman dahil sexy at makinis pa rin si Mommy until now. Saka nasa bahay lang naman siya, wag lang sana siyang lalabas na naman ng ganito ang itsura.


"Maglista ka na ng mga gusto mo. Mula sa theme, gown at kung may napili ka na bang event place."


"Ayoko," sagot ko sabay kagat ulit sa Yum burger. Naupo ako sa sofa namin at inilagay ang Jollibee paper bag sa center table. Nakaligo na ako pero hindi pa ako nag-aayos. Maaga pa naman kaya kakain muna ako bago papasok sa school.


South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon