Chapter 36

149K 9.3K 4.7K
                                    

"I LOVE YOU..."

Tumulo ang mga luha ko sa hiya at panghihina matapos ang lahat. Tulala ako. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Ginawa niya ba talaga sa akin iyon?

Alam ko ang sagot dahil kahit hanggang ngayon, parang nararamdaman ko pa ang daliri niya sa loob ko.

Pero bakit marunong siya niyon?

Si Jordan ba talaga iyong kasama ko? Hindi ba doppelganger lang?

"Do you hate me?" banayad ang boses na tanong niya.

Umiling ako.

"Thank you." 

Namigat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang hirap niyang paghinga.

"Jordan..." Hinaplos ko siya sa ulo. Nag-aalala ako sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Okay. You can go to the sala. Wait for me there."

Bumangon siya. Napatingin ako sa kamay niya, doon sa daliri na ginamit niya sa akin. Kitang-kita ko na basa iyon. Nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya lalo nang maalala ko kung paano ako dumaing at umungol kanina dahil doon.

Nang magtama ang mga mata namin ni Jordan ay mabilis akong umiwas ng tingin. Inabot ko ang wet wipes na nasa bedside table at kumuha ako ng isa. Akma kong pupunasan ang basa niyang daliri nang maagap na inilayo niya iyon sa akin.

"Jordan..." maang na napatingin ulit tuloy ako sa kanya.

Masuyong hinalikan niya ako sa noo. "Go. Hintayin mo ako sa sala. Susunod ako."

"P-pero punasan natin iyong..."

Ngumiti lang siya at hinalikan ulit ako nang mabilis sa labi. "Hintayin mo ako sa sala. May gagawin lang ako."

Hindi ako makapag-desisyon. Parang hindi ko yata siya kayang iwan na hindi ko pa napupunasan iyong daliri niya. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko.

Habang tumatagal ay palalim nang palalim ang paghinga ni Jordan. Kahit din malamig ang buga ng AC sa kwarto ay may pawis sa gilid ng kanyang noo.

Tumango na ako at tumayo. Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at iniwan si Jordan sa loob.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maupo sa sofa. Bahagya pa akong napangiwi dahil may discomfort sa pag-upo ko.

Hindi naman masakit. Iba lang talaga sa pakiramdam. Kanina ang masakit nang isagad niya ang daliri sa loob ko. Nagulat ako kaya napahiyaw ako. Nang maalala ko iyon ay ipinilig ko ang aking ulo. Nakakahiya. Hiyang-hiya ako na pakiramdam ko ay mas gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa.

Nilingon ko ang nakasaradong pinto ng kwarto ni Jordan. Kailan ba siya lalabas? Ano na bang ginagawa niya? Okay na ba siya?

Matagal-tagal din bago bumukas ang pinto. Paglabas niya ay iba na ang suot niyang t-shirt. Nagpalit siya. Nagpabango rin kasi naaamoy ko ang fresh na amoy ng gamit niyang perfume. CK for men.

"Gusto mong magmeryenda?" Tumabi siya sa akin sa sofa.

"Ikaw, gutom ka ba?"

Tumango siya at ngumiti. "Oo e."

Obvious nga. Hinihingal pa siya. Para siyang galing sa matagal na pagtakbo.

Um-order siya ng dalawang rice and chicken sa Jollibee. May fries at burger din. Walang drinks kasi nga hindi siya nagso-softdrinks. Pero ibinili niya ako ng icecream.

Pagdating ng order ay kumain kami. Walang pansinan dahil pareho kaming gutom. Pagkakain ay bumalik kami sa sala. Nagyaya siya na manood na lang ng movie para may bonding kami. Maigi na rin iyong ganito kaysa kung ano-ano ang naiisip niyang gawin.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon