Chapter 35

170K 9.8K 6.7K
                                    

JORDAN MOISES HERRERA LOVE CARLYN MARIE TAMAYO


Iyon ang paulit-ulit na isinusulat ko sa likod ng aking notebook habang nagka-klase kami. Lumilipad ang isip ko. Pagkatapos akong ihatid ni Jordan kahapon ay pinayagan ko na siyang manligaw sa akin. Tapos kaninang umaga pagising niya ay sinagot ko na siya.


Naisip ko lang na sa dami ng nagawa niya para sa akin at sa dami na rin ng advance niya ay dapat lang na sagutin ko na siya. So ayun, kami na. Magjowa na kaming dalawa.


Siniko ako ni Sussie. "May quiz tayo bukas kaya makinig ka," bulong niya sa akin.


Itiniklop ko ang aking notebook at saka ako humarap sa teacher namin. Nangalumbaba ako sa armchair at nakinig na sa lecture. Gusto ko naman talagang makinig kaya lang ang kulit ng utak ko, kung saan-saan pumupunta. Nakarating na sa La Salle Dasma.


Ano kayang ginagawa ni Jordan ngayon? Malamang na seryoso siya ngayon sa pag-aaral. Formal ang mukha niya at nakakunot siguro ang noo niya. Salubong din siguro ang mga kilay. Ganoon naman siya, palaging seryoso. Madalas pang suplado.


Ganoon ko siya unang nakilala. Ganoon pa rin ang tingin sa kanya ng iba. Minsan nga naiisip ko kung baka may naipakain ba ako sa kanyang gayuma. Wala naman akong matandaan.


Ang hirap lang talagang paniwalaan na boyfriend ko na ngayon ang isang Jordan Moises Herrera. Kahit pa hobby namin ang maglandian, iba pa rin talaga iyong may label na. Di ko ma-explain, basta iba sa pakiramdam.


Pagkaalis ng teacher namin ay tumunog na ang bell para sa lunchbreak. Tumambay lang kami ni Sussie sa room dahil pareho kaming may baon. Pareho pa kami ng ulam, ang walang kamatayang meatloaf.


Habang kumakain ay nagku-kwentuhan kami. Habang nagkukwentuhan din ay pasimple kong ina-update ang brandnew boyfriend ko. I-update ko raw siya e kaya heto.


Me to Jordan:

Kain na u. Kain na rin me. Mwa.


Hindi ko pa naichi-chika kay Sussie ang tungkol sa boyfrienf ko. Di niya pa alam. Di naman niya kasi kilala si Jordan.


"Kumusta pala kayo ni Arkanghel?" tanong ko kay Sussie matapos ibalik ang phone ko sa bulsa. Ilang beses ko na kasing nahuhuli ang pagdaan-daan ng supladong pinsan ni Isaiah sa tapat ng room namin. Halatang nagpapapansin.


Nagkibit-balikat si Sussie pero hinding-hindi niya maitatago sa akin ang kislap sa mga mata niya. Madali siyang basahin.


"Oki, sabi mo e," sakay ko na lang dahil mukhang nahihiya pa siyang magtapat sa akin. Masyado siyang subsob sa pag-aaral at pag-o-online business kaya siguro hindi niya pa magawang harapin ang feelings niya. Gets ko naman siya.


Pagkakain ay nagpaalam ako na magsi-CR. Ayaw ko nang magpigil ng wiwi ngayon dahil sunod-sunod na ang pananakit ng tagiliran ko.


Sa pinto ng room namin ay nakasalubong ko na naman si Jillian na naka-auto seryoso lagi ang ekspresyon. Kasama na naman niya frenny niya na halatang mainit din ang dugo sa akin.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon