Chapter 75

194K 10.2K 7.9K
                                    

TW// death, self-harm, depression, anxiety.


--


WALA NA SI KUYA.


"W-what do you mean wala?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone habang nagsisimulang lumabo ang aking mga mata. "A-ang ibig mo bang sabihin ay... nakaalis na si Charles? Nasa Dubai na ba siya? P-pero bakit ang bilis naman yata at—"


Ang nanginginig na boses ni Charlotte ay nabasag sa muling pagsasalita. "No, Carlyn. Kuya took his own life..."


May mga sinabi pa si Charlotte na hindi ko na pinakinggan. Hindi ko na kinayang pakinggan. Bumagsak ang phone sa sahig kasabay ng pag-ikot ng paligid. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nasusuka ako.


"N-no..." sambit ko habang lumalamig ang pawis na tumutulo mula sa noo. Hindi ako makahinga. Napahawak ako sa aking dibdib. 


Sa malabong paningin ay nakikita ko ang huling ngiti ni Charles noong magpaalam siya sa akin.


Nangatal ang mga labi ko. "C-Charles, w-what did you do?"


Even though I didn't know exactly what he was going through, I knew he wouldn't just give up


He told me he would do his damnedest best to be strong. I thought he would kill his demon before it could kill him.


I thought... I thought he would be fine...


"Shit! Agh!" Napasabunot ako sa aking buhok. "Charles!" hiyaw ko.


Tumama ang tuhod ko sa kung saan pero balewala ang sakit. Umiikot pa rin ang paligid dahilan para lumugmok ako sa sahig.


"Why?!" sigaw ko na nauwi sa pagpalahaw. "Why?!!!"


Sinabunutan ko ang sarili, kinalmot ko ang aking leeg, ang braso, at mga binti pero wala na akong sakit na maramdaman.


"Ahhhg!!! Why?!!!"



CARLYN!!!


Someone shouted my name but I didn't know who it was. I had no idea where the voice was coming from.


CARLYN, PLEASE!


Ume-echo ang boses na hindi ko alam kung saan banda galing. Nang magsalita siya ulit ay parang napakalapit lang niya. At bakit parang may mainit na kamay na humahaplos sa puso ko sa tuwing naririnig ko ang paghihirap sa boses niya?


Uminit bigla ang pakiramdam ko. It felt like someone was hugging me tightly.


Bumalik sa akin ang mga gabi sa condo ko sa Singapore na sana may yumayakap din sa akin nang ganito. Para sana hindi ganoon kalungkot ang mga gabing nakatulala ako sa kisame. Sana hindi dumating iyong pagkakataon na nagkulay pula ang paligid ng kuwarto ko.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon