Chapter 39

151K 8K 7.2K
                                    

Kahit hindi ko nakita kung sino ang caller ay malakas ang kutob ko na si Isaiah iyon. Kung paano nakuha ni Isaiah ang number ko ay hindi ko na pinag-ukulan ng pansin. Malamang naman kasi na kay Nelly. Ang mas inaalala ko ngayon ay ang pagbabago ng reaction ni Jordan.

Ang maamong mukha ni Jordan ay dumilim. Maging ang mga mata niya na madalas na kalmado ay naging malamig.

Ibinalik niya ang phone ko sa ibabaw ng kitchen island nang tapusin ang tawag. Napabuga siya ng hangin at tumingin sa akin. Sa isang iglap, kumalma na ulit at naging mahinahon ang kanyang anyo.

Nagpunas ako ng kamay matapos maghugas ng mga plato sa lababo. Wala akong imik na naupo sa upuan. Patingin-tingin ako sa kanya.

Hinagod niya ng mahahabang daliri ang kanyang buhok pagkatapos ay naupo rin siya sa tabi ko. "Sorry."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Bakit ka nagso-sorry?"

Hindi siya sumagot. Nakayuko lang.

"Si Isaiah iyong tumawag, no?" mahinang tanong ko.

Saka lang siya tumingin sa akin. "I don't want you to continue being friends with him. Am I being selfish?"

Umiling na lang ako matapos mapakagat-labi.

"Thank you."

Umusod ako at niyakap ko siya. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya habang nakasubsob siya sa gilid ng aking leeg.

"I love you," bulong niya sa akin.

Nang maghiwalay kami ay hinalikan niya ako.

Ginanti ko naman ang mga halik niya kahit parang may kakaiba ngayon sa klase ng pag-atake ng mga labi niya sa akin. Malalim na may kakaibang diin. Parang nakakabaliw.

Nang maghiwalay kami ay wala na akong mabakas na kahit ano sa mga mata niya. Kalmado na talaga siya.

Bumalik na kami sa pag-uusap at pagkukwentuhan na katulad nang kanina.

12 midnight na nang umuwi si Jordan. Bago siya umalis ay hinalikan niya ulit ako sa labas ng bahay namin. Hanggang sa gate ko siya inihatid.

Pagkauwi ay nag-text siya na nasa kanila na siya. Pero hindi pa rin ako nakatulog kahit sinabi ko sa kanya na matutulog na ako. May parte ko ang nababalisa at napapaisip sa nangyari kanina.

Magliliwanag na sa labas ng bintana nang makaramdam ako ng antok. Nakatulog na ako na kayakap sa kama ang regalo ni Jordan. Ang pink na teddy bear na pinangalanan ko ng Jorlyn, ito ang panganay namin.


  

NAGISING AKO sa mga kalabog sa sala. Ang aga-aga pa at wala pa akong matinong tulog. Masakit ang ulo na sinikap kong bumangon. Nag-aalala ako dahil baka bumalik pala si Daddy. Baka hina-harass niya si Mommy.

Madali akong nagsuot ng bra bago tinungo ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at lalabas na sana ako nang ibang boses ang aking marinig mula sa sala.

"Clara, please? Wag mo naman akong paalisin," basag na boses ni Ninong Luis.

Sumandal na lang muna ako sa pinto ng aking kwarto bagamat bahagya nang nakaawang ito.

"Clara, I still love you..."

Walang sagot mula kay Mommy. Kung hindi pa muling nagsalita si Ninong Luis ay hindi pa mawawala ang katahimikan sa labas.

"I can't forget you. Please, Clara. I'm begging you, marry me. Give me a chance. I promise you that I will be a good husband and father to Carlyn and to our baby. I will love and serve you until my very last breath."

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon