Chapter 37

145K 8.5K 7.2K
                                    

I LOVE YOU, BABY.


Na-shook yata pati split ends ko sa narinig. Twice—I mean, thrice niya nang sinabi iyong salitang iyon. Mas matindi nga lang iyong pangatlo kasi may endearment na.

Baby? Saan naman niya nakuha iyon? At bakit hindi ko mapigilan ang ngiti ko?

Anyway, balik sa 'I love you' ni Jordan Moises Herrera. Hindi ko siya masagot. Hindi ko alam ang isasagot kaya nagpa-cute na lang ako sa cam.

Ang tagal pa naming nag-usap through video call hanggang sa nagpasya kami na chat-chat na lang. Masaya pa rin naman, ang sarap sa pakiramdam na kausap ko siya.

Bumalik ako sa kwarto bandang ala una dahil baka magising si Mommy at hanapin ako. Ka-chat ko pa rin si Jordan hanggang sa mahiga ako sa kama. Nakatulog ako nang hindi na siya nagre-reply pa.



KINABUKASAN ay nagising ako sa ingay sa labas. Quarter to 5am pa lang. Sumilip ako sa bintana at natanaw ko agad ang galit na galit na si Tita Becky.

Nagmamadali akong nagsuot ng bra at lumabas ng bahay bago pa magising si Mommy. Dahan-dahan ako at nag-iingat na makagawa ng ingay nang magpunta sa sala.

Hinarap ko agad si Tita Becky. Hindi na ako nag-paliwanag dahil never namang nakinig at naniwala sa akin ang babae.

Kasama ni Tita Becky ang mga maton nitong kapatid na lalaki. Hinahanap nila si Daddy.

Pinapasok ko sila sa bahay at tinuro kung nasaang kwarto naroon si Daddy. Sakto na tulog pa si Daddy at may hangover. Napakadali sa mga maton na kapatid ni Tita Becky ang buhatin siya at dalhin sa sasakyan nila.

Okay na rin ang nangyari dahil hindi ko na aalalahanin na iiwan si Mommy kasama si Daddy. Tiniis ko na lang ang mga pagbubunganga ng tunay na asawa ni Daddy hanggang sa makaalis na sila.

Nang wala na sila ay saka na ako nag-ready para pumasok sa school.

Ipinagluto ko rin si Mommy ng kanin at ulam niya sa tanghali. Naglagay rin ako ng sticky note sa pinto ng ref para ibilin sa kanya na uminom siya ng vitamins mamaya pagising niya.

Nang makatapos na sa mga gawin at makapag-ayos na ng sarili ay pumasok na ako sa school.

Sa hallway building ng Grade 12 ay sumabay sa aking paglalakad si Miko. "Car, binyag ng anak ni Nelly sa Sunday."

Oo nga. Nabanggit ni Nelly sa text ang tungkol doon. Nakalimutan ko lang dahil sa 'I love you' ni Jordan.

"Nag-ambagan kami tag 500 dagdag sa handa. Papa-Smart Padala namin mamayang uwian. Wala pa kasing Gcash si Nelly."

Tsk. Isa pa iyon, may ambagan nga pala. Wala pa kasing trabaho ang napangasawa ni Nelly. Maski parents nila, wala ring mga pera. Ang tropa lang talaga ang nagpush na mapabinyagan na iyong anak niya.

"Magdadala ako ng cake sa Sunday. Si Isaiah at Asher sa alak."

Tumango ako. "Chat ko na lang si Nelly."

"Ge." Tinapik niya ako sa balikat saka lumihis na sa paglalakad.

Umakyat na ako sa hagdan papuntang second floor. Napapalatak ako dahil nasa 300 na lang pala ang pera ko. Paaabutin ko pa ito hanggang Friday.

May natatabi pa naman ako mula sa napagbentahan ko ng mga gamit kaya lang inilalaan ko iyon sa kuryente't tubig. Nag-try na ako mag-reach out sa lolo ko na papa ni Mommy na taga Indang, kaya lang deadma.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon