Chapter 66

162K 8.7K 5K
                                    

"ANO ITO?!"


May dalawang lasing sa sala. Muntik pa akong matalisod sa isang pares ng sapatos na nakakalat sa sahig. Mahaba ang itim na loafers na kilala kong pag-aari ni Jordan.


Si Isaiah ay nakabulagta sa sahig habang suot pa rin ang sneakers niya. May yakap na bote ng Empi. Naka-polo pa at slacks. Mukhang galing pa siya sa Manila at dito sa amin dumiretso.


Inuna kong lapitan si Jordan. Hindi ko alam kung nakakahinga pa ba siya dahil nakasubsob siya sa sofa. Shirts na navy blue at jeans ang suot niya. Isang paa na lang ang may medyas. 


Napailing ako at pinilit siyang itinihaya. Namumula ang dulo ng matangos niyang ilong, may bakat ng sofa ang kaliwa niyang pisngi, at nakaawang ang mapula niyang mga labi.


"Babalikan kita!"


Sumunod kong pinuntahan si Isaiah na nakabulagtas sa sahig. Tinapakan ko ang patag at matigas na sikmura ng lalaki. Diniinan ko sanhi para mapaungol siya at mapadilat.


Nabitiwan niya ang yakap na bote. "Agh! Ang sakit, gago, alisin mo!"


Saka ko lang inalis ang paa ko sa sikmura niya. Ngumiwi siya at nagpilit makabangon. Ipinilig niya ang ulo para hamigin ang sarili.


"Malamang na ikaw ang pasimuno nito!" bulyaw ko sa kanya.


Pagewang siyang tumayo. "Gusto ni Herrera mag-bonding, matatanggihan ko ba 'yan?"


"Mukha mo! Malamang ikaw ang nagyaya! Siraulo ka talaga, tingnan mo lasing na lasing iyong tao! Ginagaya mo sa 'yo e hindi naman kasing kapal ng bituka mo ang bituka niyan!"


"Ito naman ang KJ. Parang nag-celebrate lang naman kami ni Herrera kasi pasado ako sa board."


"Ah, may pa-celebrate kang nalalaman diyan? So treat mo ito?"


Ngumisi siya. "Treat niya. Syempre siya me pera."


"Walanghiya ka talaga! Lumayas ka na nga!"


"Hoy, malapit na akong makaahon mula sa laylayan! Lagari ako simula sa Monday! Malaki iyong project na sasalihan ko sa kompanya nina insan. Malapit ko ng palitan si Elon Musk sa pwesto niya bilang pinakamayan!"


"Ulol!"


Tinawag ko si Nanette at inutusan ito na pumara ng tricycle para kay Isaiah. Ang babae rin ang naghatid rito hanggang sa gate namin.


"Nanette, pa-assist!" sigaw ko kay Nanette. Hindi ko kayang buhatin si Jordan mag-isa, baka malaglat ang matris ko sa bigat niya.


Tinulungan naman ako ni Nanette. Sa tangkad ni Jordan ay sobrang bigat niya talaga. Kahit nakakahakbang pa siya ay hirap na hirap pa rin kami na alalayan siya paakyat sa 2nd floor. Pagkarating sa kuwarto ko ay basta namin siya binitiwan sa kama.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon