Chapter 63

166K 8.6K 4.6K
                                    

RING ng phone ko ang gumising sa akin. Pupungas-pungas akong bumangon. Balot na balot ako ng comforter. Nang hawiin ko ito ay nakita ko ang aking suot na isang manipis na baby pink cotton t-shirt. Hindi ko na matandaan kung kailan ito naisuot sa akin. At wala akong suot na kahit anong underwear.


Pupungas-pungas na nagmulat ako ng mga mata. May hinahanap ang paningin ko sa paligid pero mag-isa na lang ako rito sa kuwarto.


Nang mag-ring ulit ang phone ko ay pakapa ko iyong inabot sa bedside table. Napanganga ako nang makita ang oras. 11:00 am na. Tinanghali na ako ng gising!


Dalawa ang missed calls ko. One was from mommy and the other was from my best friend, Sussie.


I also received some messages. Kay mommy na nangungulit pa rin para sa paparating kong birthday. Ang pangalawa ay kay Sussie. Binibilinan ako na wag na wag kong ituturo kay Hugo kung saan siya sa Pasig ngayon nakatira.


Speaking of Hugo, may text din ang itlog.


Aguilar:

HOY, NASAAN SI SUSANA?!


Muntangang Hugo ito, wala man lang good morning muna? Makatanong akala mo naman itinatago ko sa kanya si Sussie.


Nagtipa ako ng reply sa kanya.


Me:

Wag ko raw ituro kung nasaan siya. Ge, bye!


Ang huling message ay kay Nanette. Umalis daw siya. Pupunta ng LBC sa bayan dahil magpapadala siya ng regalo para sa birthday ng tatay niya. Nang nakaraan ay um-order siya sa online ng sapatos at mga herbal na inumin, iyon marahil ang kanyang ipapadala. Gagala rin siya pagkatapos dahil nag-deklara siya ng sariling day off.


Umalis ako sa kama at hinubad ang suot na cotton shirt. Pumasok ako sa banyo at agad na sumahod sa ilalim ng shower. Ilang minuto akong nagbabad sa umaagos na tubig bago nagpasyang tapusin ang pagligo.


Nang magtu-toothbrush na ay nangunot ang aking noo nang makita na dalawang toothbrush ang nasa lalagyan. Isang hindi pamilyar na charcoal toothbrush na kulay grey ang handle ang nadagdag doon.


Napansin ko rin ang isang itim na pouch sa gilid ng lababo. Dinampot ko iyon at binulatlat. Ang laman ay aftershave lotion, razor, deodorant, at men's shampoo. Kulang na lang ay magbuhol ang mga kilay ko dahil sa pagsasalubong ng mga ito.


Hindi na siguro ako magugulat kung sa susunod ay buong closet niya na ang dala-dala niya rito.


Lumabas ako ng banyo at ang hinubad ko rin na t-shirt kanina ang aking isinuot. Dahil may kahabaan naman ito ay isang cotton panties na lang ang panloob na isinuot ko. Hindi na ako nag-abalang mag-bra. Ang basa kong buhok ay basta ko ibinalot sa kulay puting tuwalya.


Bumaba ako sa sala. Ang tahimik. Nakasarado ang main door maging ang mga blinds ng mga bintana. Nang makarinig ng kalansingan sa may bandang kusina ay naparadako roon ang aking atensyon. Wala si Nanette kaya iisang tao lang ang natitiyak kong nandoon.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon