Chapter 25

144K 9.6K 9.3K
                                    

MAGKATABI KAMI NI ISAIAH SA SOFA.


Basta magkatabi lang na nakasandal sa sa sandalan. Ilang minuto na pareho lang kaming tulala. Walang nagsasalita sa aming dalawa.

Ilang saglit nang lingunin niya ako. "Carlyn, gusto mo ba akong suntukin?" may hingal pa sa boses niya.

Tiningnan ko siya saka siya tinuktukan nang mahina sa noo. "Umuwi ka na."

Tumingin siya sa wall clock namin na nasa sala. "Ay, shet! Pauwi na sina mama galing Tanza, di pa ako nakakapagsaing."

"Kaya nga umuwi ka na. Isara mo na lang iyong gate pag-alis mo."

Nagmamadali siyang nagsuot ng sapatos. Habang nagsisintas ay tiningala niya ako. "Okay ka na ba?"

Tumango ako at tumayo na. "Sige na, sara mo na lang iyong gate."

"Carlyn!" tawag niya sa akin nang iiwan ko na siya.

"O?" Nakasimangot na nilingon ko siya.

Napakamot siya ng ulo at namula ang kanyang mukha na ngayon ko lang nakita. "Uhm, tayo na ba talaga?"

"Bakit ayaw mo?"

Umalon ang lalamunan niya saka siya hindi niya malaman kung ngingiwi o ngingiti.

"Tandaan mo ang petsa ngayon, kailangan may regalo ka sa akin sa monthsary natin. Kapag wala, ibi-break kita agad."

Pag-alis ni Isaiah ay nagkulong na ako sa kwarto ko. Kahit noong dumating sina Mommy at Ninong ay hindi ako lumabas. Kahit pa nga may pasalubong sila sa akin, hindi ako na-excite.

Wala akong maramdamang kahit ano maliban sa pagod. Ayaw kong mag-isip at ang gusto ko lang gawin ngayon ay matulog.



PERO HINDI RIN AKO NAKATULOG AGAD. Magdamag akong nakatingala sa kisame. Mga 3:00 am na siguro ako tuluyang iginupo ng antok. Pagising ko tuloy kinabukasan ay mabigat ang aking pakiramdam.

Tamad na tamad ako na lumabas ng kwarto para maligo. Dumiretso ako sa banyo na nasa gilid ng kusina. Maski sa ilalim ng shower ay tulala ako. Thirty minutes yata ako sa loob.

Pagkabihis ay nagulat ako nang maabutan si Mommy sa kusina na naghahanda ng almusal. Kaya pala bukas ang ilaw roon pagdaan ko kanina, naroon pala siya.

"Good morning, darling!" masayang bati niya sa akin. Nakasuot siya ng apron. "Breakfast is ready!"

Kinuhanan ako ni Mommy ng plato at siya na mismo ang nagsandok para sa akin. Sa mesa ay may sinangag, sunnyside egg, ham, at bacon. May prutas din at orange juice sa pitsel.

"Kumain ka nang marami para may lakas ka sa school. Mula ngayon, mag-aalmusal ka na parati."

Namamangha man ay kumain na rin ako. Hindi nga pala ako nakakain kagabi kaya gutom ako. Habang kumakain ako ay ilang na ilang ako kay Mommy dahil hindi siya kumakain, nakatitig lang siya sa akin.

"Darling, kumusta na pala kayo ni Jordan?"

Muntik na akong masamid sa kinakain ko dahil sa biglang tanong niya.

"Ahead siya sa 'yo, di ba? How old is he? 19?"

Tumango lang ako. Sa pagkakaalam ko nga ay 19 na si Jordan ngayong darating na December. Nakita ko sa Facebook niya.

"He's a responsible man. He's nice, polite and very handsome, too." Nangalumbaba si Mommy sa mesa habang nakatingin sa akin. "I think you're in good hands."

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon