Lascivious Casanova 02

40.2K 906 84
                                    

(LC) 02


"We are not here for soccer players! We're here to practice girls! Please focus!"

Nasa loob kami ng malawak na open field. Mayroon mga bakal na bleachers at napapalibutan ng chain-link fence paikot. Kanina ko pa gustong lumipat ng pagpa-praktisan namin.

Ayokong ganito ang team ko. Masiyadong mga nagiging conscious sapagkat nasa malapit ang mga kalalakihan. Hindi naman ganoon kalapit, subalit tanaw mula rito ang mga pawisang lalaki sa pinamumunuang soccer team ni Jaxsen.

Awtomatikong tumalim ang mga mata ko nang magawi ang tingin ko sa kanya. Nakahubad ang polo na uniporme niya at tanging puting sando ang suot na pang-itaas. Litaw ang magkabilang malalalim na biloy niya sa magkabilang pisngi habang tumatawa at sinisipa ang bola.

Lalo akong nainis sa itsura niya. Nagiging malaking hadlang siya sa pagpa-praktis ng cheerleading squad na tinuturuan ko. Ang mga kasama naming lalaki sa grupo'y mga nagsialisan na dahil kanina pa nagkakamali ang mga babae sa grupo namin.

Huminga ako ng malalim. Pagbaling ko sa mga kasamang babae, kulang nalang iwan nila ako rito at doon sila mag-cheer kay Jaxsen at sa mga kasama nito. Napailing ako't masama ang loob na lumapit sa isang bleacher para kunin ang gamit ko.

"Tapos na tayo mag-praktis?" tanong ni Irene nang mapansin na tumigil ako sa pagtuturo.

Ako ang inatasan ng choreographer dahil hindi nakapasok ngayon. Hindi naman dapat ako ang magtuturo ngayon. Isa siguro sa dahilan iyon kaya hindi sila nakikinig sa akin. Dumadagdag lang ang grupo nila Jaxsen na ngayon pa napiling maglaro kung kailan may tao sa field. Umiling ako sa tanong ni Irene. Isinukbit ko ang bag sa balikat at hinarap silang lahat.

"Lilipat tayo ng pwesto. Hindi tayo pwede rito dahil wala tayong matatapos na step-"

"Dito nalang, Clem! Aayusin na namin!"

Kahapon, nakalusot nanaman si Jax. Nagdadala siya ng alak pero hindi siya sinisita ng school. Kahit magsigarilyo sa open space at nakikita ng ilan sa mga guro, wala silang ginagawa.

Kilala siyang nag-iisang apo ng Valiente na pinakamayaman dito sa Mindoro, bukod doon ay mayaman rin ang tatay niyang taga Ireland. Madalas kong marinig ang mga tungkol sa kanya ngunit hindi ko siya naaabutan sa mga ganoong gawain, tanging kahapon lang. Kung walang sisita sa kanya, hindi niya iyan titigilan.

Ano pa at itinalaga kami ni Harry bilang isa sa mga opisyal sa school kung hindi namin itutuwid ang ginagawa niya? Sa kanya lang naman nagsimula ang lahat. Maayos ang mga estudyante rito bago siya dumating. Kaya sobra ang nararamdaman kong inis sa kanya. Siya ang pinaka matinding bad influence sa mga mag-aaral dito.

Kinonsidera ko na sana ang sinabi ni Irene na dito nalang magpraktis kung hindi lang kami nagkatinginan ni Jax. Mayabang 'tong nakangisi sa gawi ko. Nasa akin ang kanyang tingin subalit nang sipain niya ang bola'y pumasok parin ito sa goal post.

Simula pa kahapon nang malaman niyang ako ang nagsumbong, inaasar na niya ako. Pinapamukha niya na hindi ko mapapatigil ang mga ginagawa niya.

Mariin ang pagkakasara ng mga labi ko't matalim ang tingin sa kanya. Kahit ang pag-angat niya sa laylayan ng sandong damit upang gawing pamunas ng pawis ay nakakapagpakulo sa dugo ko.

Lantarang suminghap ang mga babaeng kasama ko dahil sa paglabas ng tiyan niya sa ginawa. Bahagya na ring marumi ang damit niya dahil sa lupa. Pairap akong nag-iwas ng tingin sa kanya upang harapin ang mga babae na nasa kanya ang tingin.

"Sa labas tayo! Sumunod kayong lahat sa akin!"

Narinig ko ang mga pag-angal nila. Subalit wala silang nagawa nang unahan ko silang lumabas. Kahit nakalabas na'y nahagip ko parin ng tingin si Jax. Naglalakad na siya palapit sa akin. Nasa labas na ako samantalang nandoon siya sa loob. Alam kong hindi niya ako mahahawakan dahil sa nakapagitan sa aming chain-link fence paikot subalit hindi ko mapigilan na magalit kung bakit pa niya kailangan na lumapit.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now