Lascivious Casanova 21

31K 832 86
                                    

(LC) Chapter 21

"Galit ka na naman? What did I do this time? Kumuha lang ako ng tubig maka-karma na ako?" Nagtatakang tanong niya at itinaas ang baso na wala nang laman.

"Wala!" Umirap ako.

Kinunutan niya ako ng noo at inilingan. Pagkatapos niyang malito sa sinabi ko'y hinila niya ako palabas at dinala sa panibagong kumpol ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa likod niya ako dinala kung nasaan ang pool. Bukod sa labas ay mayroon din pa lang mga bisita rito at mga nakapanligo.

Pinakilala niya ako sa mga babae pagkahalo namin sa grupo. Inakala ko pa kanina na katulad ng mga babaeng narito ang mga babaeng nasa loob. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi.

"Is Ate involved in trouble again, Ate Roselyn?" Tanong ni Rosy sa kapatid. Napag-alaman kong triplets sila at ang isang kakambal nila na si Rose ay nasa loob.

"Hayaan mo iyan. Mabuti nga't pinalabas sila ni Levi. Nasa ibang bahay sila pero hindi sila nahihiyang gumawa ng gulo."

Natawa si Mitch sa turan ni Roselyn. "Kung magsalita ka parang hindi mo kapatid si Rose!"

"Mga bully at bad influence ang pinili niyang kasama. Kaya kung mapasama siya sa gulo hindi na ako magugulat."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kung hindi sila nag-away baka ako ang nasa pwesto nila ngayon. Hindi nga magandang tingnan. Kung iyon ang opinyon nila sa mga taga probinsiya, hindi ko naman iyon mababago kung makikipag sagutan ako. Mahirap paliwanagan ang mga taong baluktot ang paniniwala. Tiyak na away lang ang kalalabasan no'n. Nakakahiya rin kay Levi na mukhang isa rin sa matalik na kaibigan ni Jax.

"Magkaklase kayo?" Nawala ang isip ko sa mga babaeng pinalabas dahil sa tanong ni Faye na nasa tabi ko.

Hindi hamak na mas maayos ang grupong ito kaysa sa mga nakasama ko sa hapag. Mabilis ko pa silang nakasundo dahil magagaan kausap. They were Jax's old classmates and colleagues. Mga naging kaklase't kakilala niya sa Manila at Ireland. Lahat sila may kanya kanya nang propesyon. Napag-iwanan lang si Jax dahil nga bulakbol.

Gumawi ang tingin ko kay Jax. Wala na itong suot na pang itaas at tanging hapit na itim na trunks na lang. Hindi kalayuan kung nasaan kaming mga babae ay ang mga lalaking kanina pa nagkakatuwaan. Naliligo sila sa pool. Mayroon nilalaro at kapag natalo, iinom ng alak. Ngumiti ako kay Faye at sumagot.

"Hindi. Schoolmates lang."

"Lang?!" Gulat na tanong ni Sarah. Nasa tabi siya ni Faye na natatawa. "Baka naman schoolmates with benefits?" Nakataas ang kilay at may kasamang panunudyo sa boses niya.

Namumula akong umiling para pabulaanan ang sinabi niya. Wala pa naman nangyayari sa amin kaya hindi pa ganoon ang tingin ko sa aming dalawa. Nagkatinginan silang lima nina Graycee, Badette at Rheya bago nila tinanaw si Jax na nakikipag tawanan at mayroon hawak na bote ng alak. Naunang nagbawi ng tingin si Graycee. Bumalik sa akin ang tingin niya at nagsalita.

"Akala namin girlfriend ka niya. Pangatlong beses na kasi 'tong party dito pero ngayon lang siya may plus one na babae."

Tumango si Badette. Mayroon pa itong subo subo na flavored lollipop. Inalok niya ako kanina na mabilis kong tinanggihan. Hindi ako mahilig sa matatamis. Niluwa niya ang lollipop bago nakisali at nakisang ayon.

"Narinig ko nga na pinag-uusapan ka nina Jolly at Genevieve! Nahihiya lang siguro silang lumapit dito dahil kay Levi!"

Natawa si Faye at tumayo. Umalis siya at walang pasabi kung saan pupunta. Sandali ko siyang sinundan ng tingin bago nagtanong kay Badette.

"Bakit sila mahihiya?"

"He's Genevieve's ex!" si Rheya ang sumagot sabay humagikgik. Pinamulahan siya at nakatingin kay Levi na sinusuklay ng mga daliri ang basang buhok.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon