Lascivious Casanova 14

31.5K 946 109
                                    

(LC) Chapter 14





Wala ako sa sariling umapak sa eskwelahan. Tila ako multong nakalutang na naglalakad papasok ng school arc. Nang magising ako kanina, hindi na ako nakatulog sa takot na mapanaginipan ulit na hinahalikan niya ako. Mukhang bangkay tuloy akong naglalakad dahil sa sampong kilong eyebags ko.

Gusto kong makalimutan ang mga nakita kong ginawa niya at inalok niya sa akin sa loob ng opisina ng Lolo niya. Gusto kong kalimutan pero paano ko gagawin iyon kung kay aga aga siya ang makikita ko?

Pagkapasok ko sa klase nagkatitigan kaagad kami. Himalang nauna siya roon at wala pa ang mga kaibigan niya. Mabilis akong napaiwas ng tingin samantalang siya'y hindi ako nilulubayan hanggang sa makaupo. Napapabuntong hininga ako kasi kahit nakaupo na ako ramdam ko pa rin ang titig niya mula sa likod. Nakumpirma ko iyon nang maramdaman ko ang hininga niya malapit sa aking leeg. Ang isang braso niya'y nakapatong sa sandalan ko, dumukwang siya palapit.

"You're not answering my call last night-"

"Not here, Jax," patingin tingin ako sa pinto at inaabangan kung papasok doon ang isa kina Irene o Cathy.

"Sa susunod na tatawag ako, sagutin mo-"

"Oo na!" dali dali kong sagot nang matanaw si Irene na nakikipagtawanan sa isa sa mga kaklase namin na nakasabay niya sa pinto.

Mahina siyang natawa sa takot kong boses. Nakita niya si Irene at alam na niya kung bakit. Hindi ko alam kung anong gusto niyang patunayan. Alam niya naman na ayokong kinakausap niya ako sa loob ng school. Kung pupwede nga lang na huwag niya na rin akong tignan.

"So... you want to keep it secret? Magkakasundo tayo dahil ganyan din ang gusto ko."

Lihim akong nagpasalamat nang tumigil si Jax bago pa mapansin ni Irene na kinakausap niya ako. Napayuko ako at hinayaan si Irene na tumabi sa akin. Hanggang ngayon napapatingin pa rin siya sa akin at kay Jax na nasa likod. Hindi pa rin siya nakakausad mula noong nakulong kami ni Jax sa banyo.

Pagkatapos ng unang subject maingay na ang grupo nila Jax kaya't panandalian kong nakalimutan na nasa likuran ko lang siya. Pinag-uusapan nila 'yung naka-away nila sa kabilang school. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Hindi kasi ako panatag sa tuwing nararamdaman kong nakatitig siya sa aking batok.

Ni hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Nasa akin ang cellphone niya ngunit kahit may tumawag pa roon hindi ko naman bubuksan iyon. Tinanggap ko lang iyon para matigil na siya at makauwi na ako. Hindi ibig sabihin na kinuha ko, pumapayag na ako na magpalit kami ng cellphone.

"Narinig ko hindi raw pumapasok si Maya simula nang bumagyo," si Irene matapos ng pangalawang subject.

Hindi ako mahilig sa mga tsismis. Kaya lang, nang marinig ko ang pangalan ni Maya hindi ko mapigilang ibigay ang mga tainga kay Irene at maghintay sa susunod na balitang nakalap niya.

"Hindi ba't napili siya sa ibang bansa? Doon siya mag-aaral sa huling taon?" naunahan ako ni Cathy sa gusto kong itanong. Mabuti na rin iyon dahil wala akong balak magsalita. Sa isip ko lang iyon naitanong.

Ahead kami ng isang taon sa kanya at malaki ang tanda sa kanya ni Jax. Mas bata rin siya sa amin dahil totoong matalino at maagang nag-aral. Tumahimik ako at hinayaan silang mag-usap. Binabagalan ko ang pagsusulat sa note dahil baka may makaligtaan ako sa pinag uusapan nila.

"Nagkasakit siguro? Baka pumili ng iba kung magpapatuloy ang absent niya."

"Si Clem?" binunggo ni Cathy ang braso niya sa braso ko upang makuha ang atensyon ko. Akala nila wala akong pakialam. Ang hindi nila alam, nakikinig ako. "Ikaw siguro ang ipapalit? Nakausap mo yung isang foreigner na kumukuha ng estudyante rito, hindi ba? Ang narinig ko kay Mrs Emboltura, nagustuhan ka raw no'n kaya lang mas mataas ang mga grades sayo ni Maya kaya siya ang kukunin."

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα