Lascivious Casanova 03

34.3K 871 107
                                    

(LC) Chapter 03





I can't help but glare at him every time I see him. Bago siya sumalta sa probinsiyang ito'y wala pa akong nakaaway. Ngingisian niya lang ako sa tuwing nahuhuli niya akong masama ang tingin sa kanya.

Wala akong choice kundi makita araw araw ang pagmumukha niya dahil dito siya nag-aaral. Hindi naman ako ang may ari ng paaralan. Dahil kung ako ang may ari ng paaralang ito, unang tapak palang niya pinaalis ko na siya rito.

Minsan, napapahiling ako na sana'y ipinanganak ako na mayaman. Hindi sa ayaw ko sa mga magulang ko ngayon. Siyempre, sila ang mga magulang ko at mayaman kami.

Katulad ngayon, gusto kong maging may ari ng paaralan na ito kahit isang araw lang para mapatalsik si Jax sa ginagawa niyang kalokohan. Binababoy niya ang paaralan, ganoon rin ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Naglalaro sila ng kara krus at ang taya ay daan daan at libu libong pera. Nakapaikot ang mga estudyanteng mayayaman at may kaya roon at walang nangangahas na sumaway dahil si Jax ang pasimuno.

Wala akong magawa kundi ang mapailing na lang dahil wala akong magagawa. Sa panahon ngayon, kung sinong mas may pera sila ang mas may kapangyarihan. Kahit ang mga patakaran at batas ay kaya nilang baluktutin at paikutin sa mga kamay nila.

Malayo palang ay natanaw ko na ang pagsilip niya sa gitna ng mga taong nakapalibot sa kanya. Ako kaagad ang nahanap ng mga mata niya. Hindi pa ako nakakalapit ay nang-aasar na ang malalim na biloy niya. Ito talaga ang una kong napapansin sa tuwing nakikita siya.

Napairap ako sa isip. Katulad ng normal na araw ay mayroon siyang hinihithit na sigarilyo at bukod pa roon ay mayroon pang nakaipit sa tainga niya. Nakaharang sila sa pathway kaya't nahihirapan makadaan ang mga matitinong estudyante.

"Magandang sumbungera! Halika rito! Baka gusto mong tumaya!"

Nagngalit ang mga ngipin ko dahil sa tawag ni Jax. Ang mga tumataya sa kanya'y nagawa pang mga magtawanan. Nang makita nilang pailalim ang masamang tingin ko sa kanila'y mga nagsitahimik naman at kanya kanya ng iwas ng tingin.

"Bawal dito magsugal. Kung gusto niyong gawing casino ang daanan, lumabas kayo ng eskwelahan," kay Jax ako nakatingin nang sabihin ko iyon pagkalapit ko.

Nagsialisan ang mga naroon nang tumayo si Jax. Binitawan niya ang sigarilyong mayroon pang baga at inapakan. Pagka-angat niya ng tingin sa akin, ilang kilo ng pagpipigil ang ginawa ko sa sarili para hindi ko hablutin ang nakakasira ng araw niyang mukha.

"No thanks. Tapos na kami, Miss," saad niya habang binibilang sa harapan ko ang hawak niyang pera.

Didilaan niya ang hinlalaki niya kada lipat ng pera at halata na inaasar lang ako. Nakatitig ako sa mukha niya habang ginagawa niya iyon at naiisip ko kung bakit parang hindi siya napalaki ng maayos. O siguro'y talagang matigas lang ang mukha niya.

"Clementine! Pinapatawag ka ni Harry!"

Nilubayan ko ng tingin si Jax. Paalis na rin ang mga nagsisitayaan sa kanya kanina kaya tinalikuran ko na siya. Lumapit ako kay Cathy, she's our student body secretary. Isa siya sa mga kasama namin na mga student government.

"Ano nanaman ang ginawa niya ngayon?" tanong ni Cathy.

Napabalik ako ng tingin kay Jax na kasama na ngayon ang mga tropa niya. Kaakbay niya si Peter at sinisipa ang isa sa mga naging kaibigan niya rito. Iritado akong nagbuntong hininga at salubong ang kilay na sumagot kay Cathy nang maalala ang ginawa niya.

"Nagpasugal nanaman! Siguradong sa sabungan ang punta ng mga iyan dahil nakalikom siya ng malaking pera rito sa loob ng school!"

"Mas malaki pa yata ang kinikita niya kaysa sa fundraising natin," komento ni Cathy at nauna nang tumalikod.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon