Lascivious Casanova 34

27.1K 591 47
                                    

(LC) Chapter 34

CHAPTER 34 AND 35
PUBLISHED NOW

-----Miss IYA-----

"Ako na po ang kukuha!" Si Nanay na nagkukumahog nang masulyapan ang pagpasok ni Jax sa kusina.

"Huwag na po, Tita. Ako na po..." nahihiya ang boses niya.

Mula sa paghihiwa ng mga gulay, napatingin ako kay Jax. Si Nanay ang kausap niya pero panay ang sulyap sa akin habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Matatapos na kami rito. Tatawagin na lang po namin kayo kung tapos na," si Nanay ulit.

Tinanguan niya si Nanay at muling sumulyap sa akin. Nagkatinginan kami. Bumaba ang mga mata niya sa hinihiwa ko na ikinataas ng kanyang kilay. Pagkabalik ng mga mata sa akin may pagkamangha na roon. May nakatago na ring ngisi sa labi.

Hindi ako nagtanong kung bakit. Pero sa palagay ko dahil nakita niyang kaya kong maghiwa ng maayos ng gulay kahit nasa kanya ang tingin ko. Sanay ako sa gawaing bahay at maliit lang ang bahay namin na kahit nakapikit kaya kong kumilos at makatulong sa gawain.

"May maitutulong po ba ako? Pwede po akong tumulong kay Clementine na maghiwa ng gulay," sa akin siya nakatingin.

"Ay naku hindi na po! Baka mapagalitan kami ng Senyora kapag nakita kayong pinapatulong ko rito sa kusina!"

Humarang sa kanya si nanay nang makitang palapit siya sa akin. Saka niya lang ako nilubayan ng tingin para harapin si nanay na nasa harapan niya at kanina pa siya kinakausap.

"Si Lola po? Hindi po magagalit iyon, Tita. Tutulong na po ako-"

"Kaya ko na ito Jax," singit ko.

Sa ugali niya, nasisiguro kong magpupumilit siya kung hindi ako magsasalita. Mahirap siyang kumbinsihin kung hindi ako makikialam. Para siyang naka-program at ako lang ang sinusunod. Nagkatitigan kami. Parang gusto niyang bawiin ko kaya lang dinagdagan na ni nanay ang sinabi ko.

"Patapos na ito, Senyorito. Tatawagin na lang po namin kayo."

Lumabi si Jax at nahihiya sa ginawang pagtawag sa kanya ni nanay na Senyorito. Kung tutuusin, hindi na bago iyon. Lahat ng mga tauhan rito o lahat ng matatandang nakakakilala sa kanya rito sa probinsiya iyon ang tawag sa kanya. Nakasanayan na dahil sa Senyora. Tanging mga magulang ko lang ang ayaw niyang tumawag sa kanya.

Ang mga kaedad namin na mga ka-eskwela pangalan lang din ang tawag sa kanya. Marahil ay dahil moderno na ngayon at nakakailang para sa aming kamag-aral at kaedad niyang tawagin siyang Senyorito gayong hindi naman kami nagtatrabaho sa kanila. Maaari ring iyon ang kinasanayan dahil pangalan niya o Mr. Dawson ang madalas na tawag sa kanya ng mga guro.

Bumuntong hininga siya at sumusukong tumango. Sinabi niya kay nanay na Jax na lang ang itawag sa kanya bago siya lumabas. Lumabas siya ngunit pagkaraan ng ilang minuto, bumalik na naman. Sa pangatlong pasok niya hindi ko na siya tiningnan. Kapag nagkakatinginan kasi kami ginaganahan siya sa pagbalik. Nang hindi ko siya pansinin doon lang siya tumigil.

Maaga ang oras ng hapunan nila, alas kwatro pa lang nagpahanda na ang Senyora. Dahil narito kami, si nanay at ako na ang nagpresinta na magluto. Wala kaming kibuan ni Jax sa hapag. Kahit nang nagluluto pa lang kami ni nanay, pabalik balik siya sa kusina at hanggang tingin lang. Nang mag-alas sais, natapos kumain ang lahat.

"Kami na ni Clementine rito!" Natatawang awat ni nanay sa mga kasama naming kumain.

Nagliligpit kasi sila at balak yatang maghugas ng pinggan kaya't inunahan na ni nanay. Nagpumilit pa sila pero itinaboy na niya dahil dalawa naman daw kaming maglilinis. Nag-akyatan ang mga kababaihan. Ang mga lalaki, tumulong sa labas dahil mukhang may nasira ang hangin na kulungan ng hayop.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now