Lascivious Casanova 53

24.4K 686 173
                                    

(LC) Chapter 53






Nakaya kong maglakad pagkatapos ng tatlong oras. Some parts of my body ached but somehow, I managed to walk. Alalay niya nga lang ako. Binitiwan lang ako nang nasa pintuan na kami ng kwarto namin nina Irene. Dito naman talaga ako dapat kung hindi kumuha ng sariling kwarto namin si Jax. Nakapagpalit na ako ng damit. Nadumihan kasi ang nauna kong suot.

"Why do you even need to sleep here? They now know that we are a couple."

"Mayroon kaming kailangan pag usapan ni Irene-"

"Tungkol saan? Kailangan ba umaga? You can talk to her tomorrow afternoon tho-"

Umiling ako. Bumitiw ako sa kanya. Kung naroon ako sa kwarto namin ni Jax ng umaga, hindi ko sigurado kung magigising ba kami ng maaga. Mas mabuti nang nandito. Kung magigising si Irene, pwede ko siyang makausap agad bago pa kami umalis at magtungo sa camping.

"Dito ako matutulog, Jax-"

"But I'll miss you. Wala akong katabi. I think Irene was already asleep too. Are you sure you don't want to sleep with me?" Lumungkot ang boses niya.

Sinulyapan niya ang pinto at binalik sa akin ang namumungay niya nang mga mata. Napatanga ako. Muntik nang magbago ang isip ko sa paos na boses niya. Umiling ako agad bago pa mangyari iyon. Bumuntong hininga siya. Umiling ako ulit.

Kailangan ko na talagang makausap si Irene. Kung hindi bukas ng umaga, hindi ko siya makakausap sa camping. Hindi rin pwedeng pagkauwi saka ko siya kakausapin. Kaibigan ko siya at gusto kong magkaayos kami bago kami mag-balik eskwela.

Naghilahan pa kami ni Jax bago ko siya mapapayag na talagang dito ako matutulog. Nadatnan kong tulog na si Irene sa kama pagpasok ko. Tatlong kama ang narito. Naroon sa ibang kama ang ibang mga babae at ang pwesto ko sa tabi ni Irene lang ang walang laman. Tumabi ako sa kanya at nagising sa ingay ng mga kasama.

"Si Irene?" Pupungas pungas kong tanong kay Jhez pagkabangon.

Isa sa mga freshman girl ito. Pinakabata sa grupo namin. Wala nang tao sa loob ng kwarto. Kami na lang. Natanaw ko pa kaninang pagbangon ang likod ng mga kalalabas lang na narinig kong nag-ingay. Papasok si Jhez sa banyo para maligo. Hindi natuloy ang hakbang niya nang marinig akong magtanong. Hinarap niya ako. Nakasabit ang tuwalya sa kanyang braso.

"Nauna na po sila. Maaga po silang nagising kaya maaga ring nakapag-ayos at bumaba," aniya na namumula ang magkabilang pisngi.

May paggalang sa boses nito at nabosesan kong nahiya dahil kinausap ko siya. Sa tuwing nagtuturo ako madalas akong nakasigaw kapag may nagkamali at kapag ako lang ang nagtuturo sa kanila at wala ang choreographer. Minsan magkakasama kaming kumain pero ngayon ko lang sila nakasama sa kwarto. Namumula pa rin siya at nakatayo. Hindi pa siya papasok sa banyo kung hindi ko siya nginitian.

Pagkatapos niya, balak niya sana akong hintayin. Pinauna ko lang. Nakakahiya kung maghihintay pa siya sa akin. Hindi ko kasi namalayan na ang lalim na ng tulog ko. Ayan tuloy hindi ko naabutan si Irene. Hindi naman ako gigisingin niyon para kausapin ako. Ako ang naglihim kaya natural lang na ako dapat ang unang gagawa ng paraan para makausap siya.

Habang naliligo hindi mawala sa isip ko si Irene. Malalim ba ang pagkakagusto nito kay Jax? Nagkamali ba ako na hindi niya ito talagang gusto at nagwapuhan lang siya? Paano iyan kung gusto niya nga si Jax? Ibig sabihin ba palagi na kaming ganito? Iniiwasan niya? Karibal o kaaway na ang turing niya sa akin?

Nakaramdam ako ng lungkot habang tinatahak ang hallway na pa-parking lot. Nagmadali na rin at baka ako na lamang ang hinihintay. Hindi ko kaagad nahanap ang sasakyan ni Jax. Ang van na sinakyan namin pabalik dito ang una kong natanaw. Nasa labas pa sila at nagkakanda-haba ang mga ulo sa pagsilip sa gilid.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now