Lascivious Casanova 07

28.7K 709 130
                                    

(LC) Chapter 07




"Just schedule it tomorrow, Lola!"

"Saint!"

Hindi na naawat ng Senyora si Jax nang tumakbo ito pababa ng hagdan. May laro raw sila ngayon kaya bukas nalang daw simulan ang pagtuturo sa kanya. Pabor sa akin iyon para maihanda ko ang sarili ko. Galing kami sa sigawan, kung tuturuan ko siya ngayon hanggang sa matapos baka nag-aaway kami.

Kinabukasan, sinubukan kong maging mas pasensyosa sa kanya. Kahit pa panay ang ngisi niya sa tuwing mapapalingon ako sa kinauupuan nila. Nagpa-praktis kami at dahil tapos na silang maglaro'y narito sila ngayon sa gym kung nasaan kami.

I don't mind him watching me dancing. Sanay ako na pinapanuod ng mga tao. Ang kinaiirita ko lang ay sa pang-upo ko siya nakatingin! Kahit tuloy sanay ako, nakakaramdam ako ng pagkailang sa suot kong hapit na cycling shorts.

Pumikit ako ng mariin pagkatapos ng huling set. Habang nagpupunas ng pawis ay patago kong sinulyapan si Jax. Nasa mga hita at pang-upo ko ang mga mata niya. Padabog kong hinagis sa aking bag ang maliit na towel bilang pamunas ng pawis at hindi na napigilan ang mga paa na magmartsa papunta sa pwesto niya. Nagtama ang mga mata namin bago pa ako makalapit. Walang emosyon iyon na akala mo'y hindi niya ako minamanyak kani kanina lang!

"Anong problema mo?!" Sigaw ko pagkalapit sa inuokupa nilang bleachers.

Nahatak ko ang atensyon ng ibang mag-aaral. Nagulat din ang mga kaibigan niya dahil sa ginawa kong paglapit at pagsigaw sa kanya. Nakaupo siya. Nakatayo ako. Nakatingala siya sa akin ngayon habang naka-dekwatro.

Magulo ang may kahabaan niyang buhok. Kung saan saan iyon naka-direksyon at halatang ilang beses na pinadaanan ng mga daliri. Nakasuot siya ng soccer uniform shorts, black cotton jacket, at black sport shirt na panloob. Para siyang inosenteng bata na nagulat dahil pinagalitan ko. Nakatitig lang siya sa akin at nasa mukha na hindi alam ang ikinagagalit ko. O siguro'y nagkukunwari siyang hindi niya alam!

"Wala akong problema. Bakit nanunugod ka nalang diyan bigla-"

"Akala mo hindi ko napapansin?! Bastos ka! Kanina ka pa tingin ng tingin sa pwet ko!"

Mabilis akong pinamulahan dahil sa narinig na sabay sabay na tawanan. Kahit ang mga kaibigan niya'y hindi na napigilang tumawa sa harapan ko. Nang lingunin ko ang mga kasama ko sa sayaw, may ilan sa kanilang natatawa rin at may ilan na pinipigilan.

Napansin ko kung saan sila nakatingin. Lalo akong pinamulahan dahil natutok ang mga mata nila sa pang-upo ko, marahil ay dahil binanggit ko na doon tingin ng tingin si Jax. Hindi ko naman ikinakahiya kahit sobrang bilugan ng mga hita ko at matambok ang pang-upo ngunit kung ganitong lahat ay nakatingin sa akin, pakiramdam ko kung hindi pa ako aalis ay mababastos ako.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at tsaka umalis sa harapan niya. Padabog kong hinablot ang aking bag. Natahimik sila nang makitang nagalit ako sa ginawa nilang pagtawa. Nakatayo na si Jax nang bigyan ko siya ng huling sulyap bago lumabas sa gym.

Gago iyon! Gusto ko siyang turuan ng maayos mamaya pero kung palaging ganito, hindi kami magkakasundong dalawa! Nakakainis! Nakakapanlambot ng tuhod ang mga ginagawa niya! Mabuti nalang at hindi ako nahulog nang buhatin ako para sa pyramid kanina. Sa aktwal na sayaw, ihahagis pa ako sa ere. Sana lang ay hindi siya manuod dahil nahihirapan akong gumalaw sa tuwing nanunuod siya. Lahat ng galaw ko sinusundan niya kaya hindi ako makapag-focus sa ginagawa.

"Clementine!"

Napairap ako. Hindi pa ako nakakalayo sa gym nakasunod na siya! Naramdaman ko ang paghigit niya sa aking braso. Binawi ko ang braso kong hinila niya at hinarap siya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now