Lascivious Casanova 44

23.9K 685 167
                                    

(LC) Chapter 44






Pagkarating ko marami nang tao sa labas ng registration room kung saan ang starting line. Halos lahat yata'y narito na. Nakasilong sa malaking puno ang grupo ng ate ni Peter. Sa kabilang puno ay ang mga bisita ni Levi noong kaarawan niya. Pati 'yung mga nag-away sa dining nandoon. Medyo nabahala tuloy ako na baka dalhin nila ang gulo nila rito kahit mukha silang mga nagkaayos na.

Hindi ko na muna sila nilapitan dahil maraming tao. May mga matatanda na puti na ang buhok. Mayroong kaedad nila nanay at tatay. May mga foreigner pa na turista sa mga kalapit na resort. Maraming bata na ginagabayan ng kani-kanilang mga magulang. Hindi mawawala ang mga estudyante rito sa school at mga kabilang school. Namataan ko rin sina Jayden at mga kasama nito noon. Niyaya siguro ni Coach Roiland at naihabol sa listahan ni Harry.

Nakahiwalay ang grupo ng mga guro. Naroon si Miss Abadiano. Naka-sports bra ito na mayroon sexy'ng disenyo at high waist cycling shorts. Hawak niya ang tshirt na isusuot niya pero hindi sinusuot. Palinga linga ito at kahit hindi ko itanong alam kong si Jax ang hinahanap.

Kung makikita kaya ito ni Jax, anong magiging reaction niya? Kahit binibigyan niya ako ng assurance at pinaparamdam niya na ako lang, hindi ko pa rin mapigilang isipin na minsang may namagitan sa kanila ng magandang guro na ito. Si Maya, matagal nang hindi pumapasok kaya hindi ko naiisip. Si Miss Abadiano, ngayon na lang din lumitaw.

"Clementine!"

Sa mga kasama ko ako unang lumapit kaya madali akong nakita ni Irene. Kahit ilang hakbang na lang ang layo ko kinawayan niya pa ako na akala mo'y mahihirapan akong hanapin sila sa distansya namin. Kumpleto na sila. Ako ang huling dumating sa mga student body. Sa ibang araw ako ang nauuna o kaya naman ay kasabay ko si Harry. May usapan kami ni Jax kaya't nagpahuli ako ng kaonti.

"Bakit ngayon ka lang?"

Sinalubong ako ni Irene na nakasuot na ng tshirt para sa event na gaganapin maya maya lamang. Kumpleto ang kasuotan niya at nakasuot na rin ng helmet pang-bike.

"Nahuli ako ng gising. Hindi ako nagising sa alarm," sabi ko kahit hindi naman talaga ako nag-a-alarm. Nasanay na lang ang katawan ko na maagang gumising.

"Nasaan ang bike mo?"

Ginala niya ang mata niya para hanapin iyon sa magkabilang tabi at likod ko. Nilingon ko rin ang likod ko kahit na alam kong wala naman akong dala. Nang wala siyang mahanap nagtataka niya akong tiningnan. Hinarap ko siya at maliit na nginitian. Medyo kabado ako. Bakit ba kasi kailangan pang pareho kami ng tshirt at bike? Ang dami niyang pakulo! Ako naman itong si uto uto na napapayag niya ng ganun ganon lang!

"Lilinisin ko sana kagabi para magamit ngayon. Huli ko nang nalaman na sira pala ang kadena," pagsisinungaling ko ulit. Ito kasi ang sinabi ni Jax na idahilan ko!

Tumaas ang kilay niya at bumalong ang pag aalala sa mata. Pinasadahan niya rin ng tingin ang damit ko. Naka-itim na knee length cotton leggings ako at itim na workout crop top. Sa paa ay nakasuot ako ng simpleng itim na gym shoes. Nakapusod pataas ang mahaba kong buhok kaya't umiihip sa batok ko ang malamig na pang-umagang hangin ng probinsiya. Wala akong kahit anong kulorete sa mukha. Nagising ako, naligo, nagbihis, at nagtungo rito. Ngunit si Irene at ibang mga babae nakapostura pa. Hindi ba nila naisip na pagpapawisan din naman sila mamaya?

"Wala kang gagamitin na bike? Wala ka na ring tshirt na isusuot! Paano iyan?"

"Bakit? Nagkulang ang mga tshirt?" Kunwaring tanong ko kahit may ideya na ako sa ginawa ni Jax.

Wala siyang sinabi na gagawin niya pero sinabi niyang siya na ang bahala. Sigurado akong siya ang may pakana nito ngayon.

"Nawawala 'yung isang kahon na tshirt na pinasobra ni Harry para sa ating nag-organize ng event na ito! Ang iba kasi may mga pangalan at naibigay na sa kanila iyon lahat! Wala nang natira sayo!"

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now