Lascivious Casanova 20

32.6K 783 94
                                    

(LC) Chapter 20

CHAPTER 20 AND 21

PUBLISHED NOW

-----Miss IYA-----

I pushed him and quickly put on my clean clothes. Pinapanuod niya akong magbihis habang masama ang tingin ko sa kanya. Kung pagbawalan niya ako akala mo girlfriend niya ako! He can seduce me about sex but he can't fool me to be his girlfriend!

Ayokong ma-stress dahil alam kong hindi siya nakikipag relasyon. Kaya siguro ipinipilit noon ni Maya na boyfriend niya si Jax dahil kung pagbawalan niya rin ay ganito. Hindi naman maghahabol iyon kung hindi niya pinaasa at pinangakuan ng kung anu ano!

"Mauuna ako! Pagkatapos ng tatlong minuto saka ka lumabas!"

Nagmamadali akong lumabas at tiniyak na walang makakakita na kasama ko si Jax hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Pagkapasok ko agad akong nagsuot ng seatbelt.

Nang paandarin niya ang sasakyan napaisip ako na masiyado na akong nasasanay sa ganitong set up namin. Nanguna pa nga akong magbukas ng pinto at pinasok ang sarili sa sasakyan na akala mo'y ako ang may ari.

"Aren't you hungry? Hindi mo naubos ang pagkain mo kanina," aniya at mula sa backseat ay may inabot na paper bag.

Inilabas niya doon ang tinapay na nababalutan ng papel at may tatak ng kilalang cafe. Inayos niya iyon para makagatan ko. When he took out half of it from the paper, I realized it was a freshly baked croissants. Mayroon itong palaman na chocolate. Sa bayan pa siguro ito binili dahil doon ko nakita ang cafe na ito. He opened another paper bag and took out a frappe drinks also from the same well-known coffee shop.

"Salamat," nakalabing saad ko at nagsimulang kainin ang mga binigay niya.

Nagutom ako sa praktis kanina. Niyaya niya akong umalis ngayon kaya wala na akong oras para mag-miryenda pa.

"Are you always like that?" biglaang tanong niya habang nagmamaneho. Natanto kong hindi ko man lang pala siya inalok.

"Like what? Bakit? Gusto mo ba?" inaabot ko sa kanya ang pagkain dahil baka ito ang tinutukoy niya.

Nang makita niya ang ginawa ko'y umiling siya.

"Hindi na. 'Yong matitira mo na lang."

Lumabi ako dahil hindi ko sigurado kung may matitira ako. Binawi ko ang kamay ko at malaking kumagat sa croissant. Dinilaan ko ang labi ko nang tumakas doon ang palaman na chocolate. Nanatili sa kanya ang tingin ko habang kumakain. Patingin tingin kasi siya, salitan sa akin at sa daan.

"I mean... are you always like that? Palagi mo bang ipinamimigay ang pagkain mo? I saw you. You gave your food to Irene."

Natigilan ako. Iyon pala ang binabanggit niya. Nginuya ko muna ng mabuti ang kinakain at uminom sa frappe bago tumugon.

"Hindi ko pinamigay, Jax. Ka-text kita kaya hindi na ako makakain."

Tumaas ang makapal na kilay niya at napangisi. Siguro'y naalala ang usapan namin sa canteen. Nasa daan pa rin ang mga mata niya.

"So..." Taas kilay niya akong saglit na binalingan at ibinalik sa daan. "Kasalanan ko?" Natatawa niyang tanong at minaniobra ang sasakyan papasok sa bahay nila Peter.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu