Lascivious Casanova 29

33.2K 766 142
                                    

(LC) Chapter 29

CHAPTER 29, 30 & 31
PUBLISHED NOW

Kung may mga estudyante rito na nagbabasa at may experience na. Remember na bawal walang supot ha? For safety dahil di niyo sigurado kung malinis ba ang partner niyo. Delikado rin sa future lalo kung hindi pa handa sa pagpapamilya. Kung may virgin naman na nagbabasa ng mga story ko, kalma lang. Puro kalandian pa lang sila rito kaya huwag gagayahin. Haha.

Enjoy Reading!

-----Miss IYA-----










"After you wash up, go to bed. I will clean our clothes after I call your parents."

"Ikaw ang maglalaba?"

Tinanguan niya ako.

"Yeah. Just take a bath here. I can do the laundry."

Kusang tumaas ang kilay ko at may pagdududa siyang tiningnan. Kumunot ang noo niya. Nairita yata sa kapansin pansin na pagdududa ko sa gagawin niya.

"Marunong ka?" Hindi ko napigilang maibulalas.

Wala sa itsura niyang nakapaglaba na siya. Sa tingin ko nga'y pati boxers niya'y katulong nila ang naglalaba. Pansin ko ang pag-iwas niyang bumaba ang tingin sa katawan ko. Dumistansya rin siya pagkabitaw sa aking kamay. Nilingon niya ang pinto ng banyo na para bang gusto niya nang lumabas dahil hindi siya kumportable na magkasama kami rito. Maikli ang suot ko na dress at naka-paa lang ako. Malamig sa paa ang tiles ng banyo lalo't basa dahil kaliligo niya lang.

"Magtatanong ako sa ibaba kung paano labhan. Baka magmantsa kasi ang dugo kung hindi ko lilinisin kaagad."

"Magtatanong ka pa? Ako na lang kaya? Mahihirapan kang alisin ang dugo. Dalhin mo na lang dito. Isasabay ko na lang sa pagligo-"

"Ako na. Kaya ko na iyon."

Gusto ko pa sana siyang pigilan dahil naroon ang bra ko at nakakahiya kung pati iyon lalabhan niya. Subalit hinayaan ko na rin nang lagpasan niya ako. Kung magtatalo pa kami kung sino ang maglalaba baka mapurnada ng ilang sandali ang pagtawag niya sa mga magulang ko. Malakas ang ulan at kung magtatagal pa akong hindi nakakauwi baka suungin ni tatay ang ulan at gawin ang lahat para lang makatawid sa baha.

Pagkabihis ni Jax, lumabas siya. Saka pa lang ako kumilos para maghubad. Habang nagtatanggal ng damit, pakiramdam ko may nanunuod sa akin dahil sa malinaw na babasaging dingding ng banyo. Ni walang harang kahit pantakip lang sa pribadong katawan.

Malaki ang banyo niya at maluwag. Sa kanan na bahagi ay ang nakabukod na elongated smart toilet seat na sa palagay ko'y kakainin ako kung gagamitin ko. Sa kaliwa ay ang malaking bathtub jacuzzi. Mayroong tv roon. Mayroon ring ilang mga toiletries sa sink at sa harapan ay malaking salamin. Ang vertical blinds ay nasa magkabilang gilid. Siya lang naman ang gumagamit nito kaya siguro hindi niya ginagalaw o isinasara.

Napalabi ako nang makitang puro shower gel na panlalaki ang narito. Sa mga gamit niya pa lang masasabi ko nang hindi siya nagdadala ng babae rito. Itinaas ko ang aking isang kamay upang haplusin ang aking mga labi. Nagpigil ako ng ngiti. Pero sa huli, nakagat ko rin ang ibabang labi at hindi napigilan ang humaplos na mainit na bagay sa dibdib ko. Hindi ko alam na ganito ang pakiramdam na magkaroon ng unang boyfriend. Nakaka-excite at nakakagaan sa pakiramdam.

Kung gano'n pala, ako ang unang babae na nadala niya rito? Ako rin ang unang girlfriend niya at kung pinayagan ko'y gusto niya pang ipaalam sa lahat? My heart thumps loudly as I bit my lower lip harder. From no boyfriend since birth then suddenly there's someone I can call boyfriend and someone who can call me his girlfriend. Kahit hindi ko pag-isipan ng mabuti, masasabi ko sa kilos at salita niya na seryoso siya sa akin. Inalis ko ang ngipin na nakabaon sa aking ibabang labi at nagsimula nang pakialaman ang mga gamit niyang panligo.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now