Lascivious Casanova 27

40.5K 1.1K 254
                                    

(LC) Chapter 27

"Damn... I badly want you."

Maraming beses siyang nagmura at mula sa aking bewang ay gumapang ang palad niya papunta sa likod ng aking mga hita. Napaungol siya sa sakit nang makagat ko ang labi niya dahil sa gulat nang buhatin niya ako na parang isa lang akong magaan na bagay. Napakapit ako sa leeg niya nang mahigpit sa takot na mahulog nang ipulupot niya ang mga hita ko sa magkabila niyang bewang at nagsimulang maglakad.

Noong una hinayaan ko siya at hindi inaalam kung saan kami pupunta. Ngunit nang bumaba ang mga labi niya sa aking leeg, nagkaroon ako ng pagkakataon na idilat ang namimigat kong mga mata. Sa abandonadong kubo niya ako dinala. Nadaraanan ko ito kapag pauwi sa bahay. Ang may ari nito ay mayroong anak sa ibang bansa. Napetisyon na sila roon kaya't matagal nang walang naninirahan dito.

Bumalik sa labi ko ang halik niya habang binubuksan niya ang pinto gamit ang isang kamay. Hindi iyon naka-lock at mabilis kaming nakapasok. Sinipa niya pasara ang pinto. Napasinghap ako sa malakas na pagsandal niya sa akin doon. Tumingala ako nang muling bumaba ang halik niya sa aking panga pababa sa leeg. Ang dayami na bubong ay mayroong mga sapot at may nakita pa akong naglakad na gagamba. Nakabukas ang gawa rin sa dayaming bintana na natutukuran ng pinutol na kawayan. Makulimlim sa labas kaya't makulimlim rin ang ilaw na pumapasok sa loob. Walang mga gamit dito kundi mga piniping karton na nakalatag sa kawayang sahig.

Nang magbaba ako ng tingin kay Jax ay nabuksan na niya ang mga butones ng basa kong blouse. Nang magkatinginan kami'y kinuyumos niya ng halik ang aking labi. Pumikit ako at mapusok na kinopya ang galaw ng kanyang malambot at matamis na bibig.

Mapagmadali ang halik at galaw niya at tila ba takot na maudlot ulit ang balak niyang gawin. Nasa kilos niyang wala nang makakapigil sa kanya kahit lumindol o magiba pa ang kubo dahil sa lakas ng bagyo. Nagmura siya at naglakad. Lumuhod siya na karga ako. Sa pagdilat ko'y natanto kong inihiga niya ako sa nakalatag na karton. Pumikit akong muli at sinubukan na gantihan ang mas rumahas niyang halik. Halos magsugat ang mga labi namin sa panggigigil niya.

"Once I entered you, you are officially my girlfriend." Sandali niyang inabandona ang labi ko nang maghubad siya ng pang itaas na damit. Nang makalagpas iyon sa mukha namin ay muli niya akong sinunggaban.

Walang patid ang halik niya habang bihasang gumagalaw ang mga kamay upang hubaran ako. Hinubad niya sa magkabilang braso ko ang blouse ngunit hinayaan niyang nakasapin ito sa aking likuran dahil maalikabok ang karton na pinaglapagan niya sa akin. Nag-iingay ang bintana at kaonti na lang ay tatangayin na dahil sa lakas ng hangin.

Lumuhod siya at ang sinunod na hinubad ay ang palda ko kasama ang aking panloob. Hindi ko maiwasang pamulahan nang mapatitig siya sa pribado kong katawan na walang buhok. Kitang kita ko ang pagtingkad ng dilim sa kanyang mga mata. Makinis ang pagkababae* ko at walang kahit isang buhok. Umigting ang panga niya at umakyat ang tingin sa aking mata.

"Do you usually shave?" Naghuhubad siya ng pantalon nang tanungin niya iyon.

Tumango na lang ako kahit ang totoo ay ngayon lang ako nag-ahit. Nakahubo't hubad na ako sa harapan niya. Ang malulusog kong dibdib ay nakahain na rin sa kanyang harapan at kakainin niya na lang. Yumuko siya at isinubo ang isa sa mga tuktok ng dibdib ko. Nakapaghubad na siya ng pantalon at boxers pero hindi ko nakita kung gaano siya kalaki dahil naharangan iyon ng ulo niya nang isubo niya ang dibdib ko.

Bumaba ang halik niya. Mula sa salitang paglalaro sa aking magkabilang dibdib ay napunta iyon sa aking tiyan. Pababa sa aking puson. Malaki niyang pinagparte ang mga hita ko. Pumikit ako ng mariin nang gumapang ang mga labi niya sa aking hita at singit. Pigil na pigil ang paghinga ko sa bawat pagdampi ng labi niya sa aking balat. Na para bang sinasadya niyang gawing marahan ang halik at nang sa gano'n ay unti unti rin ang pagliyab ko.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora