Lascivious Casanova 26

31.1K 702 62
                                    

(LC) Chapter 26



"Let go of my arm, Jax!" Pinatigas ko ang boses ko. Nang pumalag ako'y lalong humigpit ang hawak niya.

"Kiss me first then I will." He demanded as if he was just asking the waiter for water.

Nagpigil ako ng paghinga at nang ibuga ko ang hangin ay pinilit kong galitin ang sarili dahil ngayon pa lang nalulusaw na ako sa marahas na hawak niya't pagbabanta. Pilit kong inaalala at isinisiksik sa isip ang mga bagay na ginawa ni Jax at kung bakit hindi ko dapat ito nararamdaman. I don't want to be his victim. He's skilled player and talented womanizer. Umiyak na ako ng isang beses at ayoko nang mapasama pa sa mga babae na napa-away dahil sa kanya.

"This is harassing! Papasukin mo ako dito at hihilingin na halikan kita?"

Sarkastiko siyang natawa.

"Harassing? If it is, then sue me after you kiss me."

Hindi ako makapaniwalang umiling. Pumikit ako ng mariin na mukhang magandang desisyon dahil pagkasarado ng mga mata ko, malinaw kong nakita si Maya at Miss Abadiano. Sa kanila talaga nagsimula ang lahat. Habang naaalala ko kung paano silang dumaing sa ginagawa ni Jax, parang dinudurog din ako. Hindi ko pala kakayanin kung may mangyari sa amin at mabalitaan kong may nangyayari rin sa kanila ng mga babae niya.

Humapdi ang gilid ng mga mata ko. Lalo kong isinara ng mariin ang mga mata upang mapigilan ang pag-alpas ng sakit. Mariing nakasara ang aking mga kamay. Kung kailan natanto ko ang nararamdaman ko, mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na layuan siya. Mas lalo kong gustong tumigil na siya. Mas lalo kong pinagsisisihan ang mga nagawa naming dalawa. Kung pwede lang sanang ibalik, hindi ko na siya kakausapin. Kahit madalas siyang gumawa ng gulo, ituturing ko siyang hangin. Nang sa gano'n ay hindi ko sana nararamdaman ito ngayon. Kung hindi ako nakialam hindi ko sana inaamin sa sarili ko ngayon na gusto ko siya!

Kumalat ang pait sa akin at mabilis na idinilat ang mga mata ko. Nakitaan ko siya nang gulat. Malamang ay nakita niya ang nakapaloob na galit sa mga mata ko. Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ako na ang humakbang palapit sa kanya. Tumingkayad ako at ikinawit ang isang braso sa kanyang leeg. Walang salita na mabilis ko siyang hinila pababa upang paglapatin ang mga labi namin.

Hindi siya nakagalaw at mukhang hindi napaghandaan ang ginawa ko. Ang mga kamay niya'y nakabagsak lang sa magkabilang gilid niya. Ilang segundo nang magkalapat ang mga labi namin, hindi pa rin siya gumagalaw para halikan ako. Tiim bagang akong lumayo at tinitigan ang gulat pa rin niyang anyo. Nakadilat siya at may pagtataka.

"Are we done?" walang kasing lamig ang boses ko.

Napakurap siya. Ang kanyang nakaawang na labi ay ibinukas sara habang umiiling.

"No..."

"Then kiss me!" sigaw ko at muli siyang hinila pababa. Pagalit ngayon. Ramdam ko ang malakas na pagtama ng labi niya sa akin dahil sa ginawa ko.

Sa ikalawang beses nang paglapat ng mga labi namin, mabilis ang naging paggalaw niya. Pumaikot ang kanyang isang braso sa aking bewang at umangat ang isa patungo sa aking batok. Iginilid niya ang kanyang ulo at nagsimula sa malalim ngunit marahan na paghalik. Naisama niya ako nang humakbang siya. Pinigilan kong suminghap nang tumama ang likod ko sa pader.

Pigil na pigil akong gumawa ng kahit kaonting ingay kahit kaonting kaonti na lang alam kong bibigay na ako. Sumasabay sa patak ng ulan ang kalabog ng puso ko sa malambing na galaw ng malalambot na labi niya. Tila nagkakarerahan at nag-uunahan sa pagbagsak dahil tila rin nanunukso ang marahan na halik ni Jax. Ngayon lang siya ganito. Sa tuwing hahalikan niya ako para siyang laging nagmamadali. Hindi tulad ngayon na para bang ninanamnam niya at nilalasahan ng mabuti ang mga labi ko. Pumikit ako at natatakot kung gaano ako kabilis nahulog sa kanya. Para akong ulan na isang mabigat na tubig sa ulap at hindi na napigilang bumulusok pabagsak.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now