Lascivious Casanova 05

30.2K 816 130
                                    

(LC) Chapter 05







Panandalian kong nakalimutan sila Jax dahil sa pagbagsak ko sa mga basura. Naalala ko na lang ulit nang marinig ko ang boses niya. Kasalukuyan siyang nagsasara ng butones ng pantalon niya nang mag-angat ako ng tingin.

"Jax," si Maya na pulang pula ang mukha.

Humawak siya sa braso ni Jax at nagtago sa likod nito nang makita ako. Napatitig ako sa kanya. Ngayong wala silang ginagawa'y bumalik siya sa pagiging mahinhin. Hindi na nga lang maalis sa isip ko ang napanuod kong eksena kanina.

Ang tanging nais kong gawin ngayon ay ang tumakbo papuntang simbahan at magpatak ng holy water sa aking mga mata at tainga. Baka sakaling luminis muli ang aking paningin at pandinig na nadumihan ng husto ni Jax.

"Umalis ka na. Mag-uusap kami," sabay alis ni Jax sa kamay ni Maya na nasa braso niya.

"You'll be fine here?" may pag-aalala sa tanong ni Maya at muli akong tinignan na para bang sasaktan at kakainin ko si Jax ng buhay kung iiwan niya.

"Of course!"

Iritado ang boses ni Jax. Hindi ko alam kung dahil sa akin o dahil sa paghawak ni Maya dahil dito siya nakatingin.

"Narinig kong sinaktan ka niya sa gym. Baka mapaano ka-"

"Just leave, okay? I'll call you," hinawi niya ulit ang kamay nito nang muli siyang hawakan.

Tumango si Maya at sinunod ang gusto niya. Sinulyapan pa ako nito ng huling beses bago tuluyang umalis. Tinignan ko ang likod ni Maya at nakaramdam ng awa nang maalala na nakita ko rin si Jax at Ms. Abadiano sa kabilang building.

Nagtiim labi ako at hindi muna tumayo kahit nanlilimahid na ako mula sa pagbagsak sa basurahan. Binalingan ko si Jax na nakahalukipkip at nakatingin sa anyo kong napapaligiran ng mga basura.

"Maganda ang kinabukasan na nakaabang sa kanya. Kapag nabuntis mo iyan, hindi matutuloy ang pagpunta niyan sa ibang bansa-"

"Akala ko ba napanuod mo? I always wore a condom. I had never used a woman without wearing one."

"Paano ka nakakasiguro na hindi mo mabubuntis iyan dahil naka-condom ka?"

Salubong ang kilay niyang inalis ang mga braso sa paghalukipkip. Iritado pa rin ang mga mata niya kaya't sa palagay ko'y sa akin siya naiirita at hindi sa paghawak sa kanya kanina ni Maya. Paano nga naman siya maiirita kung kani-kanina lang ay pinapasok niya?

"Why are we talking about her? Ikaw ang pag-usapan natin. Anong ginagawa mo rito?"

Nag-iwas ako ng tingin. Iniiwasan kong pamulahan. Itinulak ko ang ibang basura na nasa tabi ko. Tumayo ako at pinagpag ang aking damit. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tignan na hindi naaalala ang nakita ko kanina.

Mas malala ito kaysa kay Ms. Abadiano. Nakaharang ang hita ng guro noon. Itong kay Maya, nakita ko ang nakatago sa loob ng pantalon niya. Nakakatakot. Buhay na buhay at gumagalaw. Naramdaman ko siya sa tuhod ko pero malambot pa iyon, hindi katulad kanina na... umiling ako sa isip para maiwala ang isip doon at para masagot ang tanong niya.

"Napadaan lang ako-"

"Ito ba ang sinasabi mong sikreto ko? Ilang beses mo na akong binobosohan? Araw araw ba? Ilan na sakanila ang nakita mo? Lima? Pito?"

Hindi na ako nagtangkang iwasan siya ng tingin. Maging ang hiya'y nilubayan na rin ako sa katawan. Tanging pagiging kuryuso lang sa sinabi niya ang natira.

"What do you mean? Ibig mo bang sabihin ay araw araw mo itong ginagawa?"

Napangaga ako at nanlalaki ang mga matang tinignan siya. Natahimik siya. Mukhang nadulas lang dahil akala niya'y palagi ko siyang binobosohan. At hindi ko siya binosohan! Na-curious lang ako sa ginagawa niya pero hindi ibig sabihin niyon ay binobosohan ko na siya! Aksidente iyon! Hindi ko iyon ginustong makita!

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now