Lascivious Casanova 69

19K 632 822
                                    

(LC) Chapter 69

"No... I was under the influence of drugs... I do not remember anything..."

"She was there...She can...testify..."

(SA MGA NAGTATANONG. ITO PO YUNG TRANSLATE SA CHAPTER 68)

May mga sensitive scene and topic ang LC guys. Mas marami pang mangyayari na baka isumpa niyo na pati ako. Punong puno ako ng warning sa LC bawat Chapter. Kung patuloy ninyong babasahin kahit nabasa niyo na ang mga warning ko, bahala na kayo sa mga buhay ninyoooooowww! Haha

Enjoy Reading!

-----Miss IYA-----



I cried the whole night. Halatang halata tuloy ang pamamaga ng mga mata ko kinaumagahan. Hindi ko alam kung paanong hilamos ang gagawin ko para mawala iyon. Mabuti na lang din at umalis sila nanay. Kasama si tatay sa bukid. Bumalik na sila sa dati. Hindi na nga lang mawawala ang ilang mga tao na nagalit sa amin at galit hanggang ngayon.

Ang iniisip ko na lang ay ang pagpasok ko sa school. Kung sasabihin ko na nasobrahan ako sa pagtulog, walang maniniwala sa akin sa mga kaibigan ko. Lalo pa at alam nilang ilang araw ko nang hindi nakakausap si Jax ng maayos. They will immediately conclude that that is the reason.

"Bagong style?" Tinawanan ako ni Irene.

Para lang maitago ang pamamaga ng mata ko, nagawa kong magsuot ng salamin. Reading glass naman kaya hindi gaanong alangan. Matagal na itong binili ni nanay pero ni minsan hindi ko pa nasuot. Hindi naman kasi malabo ang mata ko at hindi ako sanay na mayroong suot suot na salamin sa mata.

"Araw ng uwi ni Jax ngayon kaya ka nakaganyan? Pamporma? Nagmukha kang nerd! Dapat nagmake up ka na lang!"

Panay tukso, tanong, at sunod sa akin ni Irene. Si Cathy, nasa gilid lang habang naglalakad kami at sinisiyasat ng maigi ang buong anyo at ayos ko. Sa paraan ng titig niya, sa palagay ko'y napupuna niya ang pamamaga ng mata ko at hindi lang nagsasalita. Samantalang si Irene ay panay daldal lang sa tabi.

"Anong oras ba ang uwi niya? May pasalubong kaya? Makikihingi ako, ah!"

Tinanong ni Irene iyon sakto sa pagdating namin sa dalampasigan. Sa school dapat kami pero tumawag si Harry na uunahin namin ang pangangailangan ng mga mangingisda. Walang panghanap-buhay ang mga narito dahilan na nasira ang mga gamit nilang bangka para sa pangingisda nitong mga nagdaang malalakas na bagyo.

"Nasa eroplano na ba?" Dagdag pa niya hindi ko pa man nasasagot ang nauna.

Nanguna akong lumapit sa bangka na sasakyan namin papunta sa kabilang isla at sinadyang hindi siya sagutin. Jax had no message this morning. Hindi ko alam kung dahil ba iba ang oras sa kanila. Pero kasi noong mga nauna araw araw naman mayroon kahit good morning at good night. Kahit hindi kami masiyadong nakakapag-usap dahil sa pagkakaiba ng oras sa lugar namin, nakakapagpadala naman siya ng message. Ngayong umaga wala. Inisip ko na lang na siguro nagbabasta na siya pauwi at tatawag na lang pagkarating sa Airport.

"Gusto niya kapag ga-graduate siya magkasama kayo, 'di ba? Hindi maganda ang records niya last sem. Kailangan makahabol siya sa exam kung ayaw niyang maging repeater," si Irene na naman.

"Nanalo sila sa soccer, Irene. Lalaban sila Jax sa international next year. They will receive more benefits from the university hindi gaya nating mga regular students. Hindi iyan ibabagsak ng school," si Cathy.

Nagkatinginan kami ni Cathy. Sumabat siya upang awatin lang si Irene sa pagtatanong. Sa palagay ko ay napapansin niyang wala akong maisagot.

"Pero ang sabi ni Clementine uuwi raw pagkadalawang linggo! Dalawang linggo na, ah!"

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now