Lascivious Casanova 04

31.1K 734 129
                                    

(LC) Chapter 04





"Shit!"

Lumuwag ang hawak niya sa akin. Umawang ang mga labi niya at namumula ang buong mukha na parang hindi makahinga. Malulutong na mura at singhapan ang pumailanlang nang tuhudin ko ang nasa pagitan ng mga hita niya.

Nabitawan niya ako't napaluhod sa harapan ko habang salo salo ang nasaktang pagkalalaki niya. Kahit ang mga kaibigan ni Jax ay napangiwi dahil sa ginawa ko. Para bang ramdam nila ang sakit no'n kahit hindi ko sa kanila ginawa.

"Punish my lips? Ano, hahalikan mo ako? Tingin mo ba, matatakot mo ako diyan? Wala ka nang ginawa at sinabing matino! Pasalamat ka at hindi ko pa sinasabi kahit kanino ang sikreto mo!"

Pinagpapawisan siya nang tingalain ako. Nasa mga mata niya pa rin ang sakit nang pagtuhod ko sa kanya ngunit may nabasa rin akong irita at pagtataka.

"Anong sikreto?-" natigilan siya at napayuko ulit. Nagmura ng paulit ulit dahil hindi pa nawawala ang sakit ng ginawa ko sa kanya.

"Bakit mo tinatanong? Gusto mo dito ko sagutin para marinig nilang lahat?"

Naghalukipkip ako at niyuyuko siyang mukhang tangang nakaluhod sa aking harapan. Teacher pala rito ang babae mo ha? Mabait at tahimik si Ms. Abadiano, ayon pala'y may relasyon sila ni Jax.

Walang estudyante ang mag-iisip na may relasyon sila. Sa tagal kong minamanmanan si Jax ay hindi ko pa sila nakitang magkasama ni minsan. Halos wala ngang makikitang kasama niya kundi mga tropa niya lang na kapwa niya manginginom, takaw gulo, at pala waldas ng mga perang pinaghihirapan ng mga magulang nila.

Pairap ko siyang iniwan roon. Nasalubong ko si Harry at mukhang nakita nila ang nangyari. Inakbayan niya ako na natatawa. Bahagya siyang nakayuko, sinisilip ang lukot kong mukha na kahit plantsa siguro'y hindi kayang ayusin.

Anong akala niya, maaakit niya ako dahil lang maganda siyang lalaki? Marami rin namang gwapo rito, isa na nga ang nakaakbay sa akin ngayon. Pa-bad boy lang siya kaya maraming naghahabol na babae. Marahil ay para sa kanila'y napakalaking achievement kapag nabago nila ito. Bukod sa mukha'y wala nang pwedeng ipagmalaki sa kanya kaya hindi ko maintindihan kung bakit hinahangaan nila ang lalaki na iyan.

"Ang sakit no'n," tawa ni Harry.

Tinusok ko siya ng masamang tingin. May after shock pa yata ang galit ko kaya hindi pa kumakalma.

"Dapat lang sa kanya iyon! Kulang pa nga kung tutuusin! Gusto ko yung tipong parang mamamatay na siya sa sakit at hindi na niya kakayanin kaya't kusa na siyang aalis!"

Natawa ulit siya.

"Mukhang may plano ka na para mapaalis siya ah? Ingat ka, Clem. Walang girlfriend iyan pero mukhang matinik sa babae. Nag-aalala ako na baka bumaliktad ang sitwasyon niyo."

"What do you mean? Na magkakagusto ako sa kanya?" mataray na tanong ko dahil hindi ko nagustuhan ang punto niya.

"Who knows? You're like a sister to me, Clem. I don't want you to lose your intelligent in case you fall for him-"

"In short, ayaw mo akong maging tanga?"

Tinawanan niya lang ako. Napangisi ako at umiling. Ginulo niya ang buhok ko pero nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Hindi mangyayari iyon, Harry. Sisiguraduhin ko. Mas may pag-asa pang magkagusto ako sa'yo kaysa sa kanya."

Naging tahimik ang araw ko. Sa tingin ko ay umuwi ng maaga si Jax dahil sa ginawa ko sa kanya. Maaari ring nagpadala sa clinic. Matagal bang mawala ang sakit no'n? Malakas pa naman ang pagkatuhod ko dahil sobrang lapit niya. Napangiwi ako sa pandidiri at napahawak sa aking tuhod. Naramdaman ko siya nang tuhudin ko siya kanina. Kinikilabutan tuloy ako. Malambot iyon pero sigurado akong... malaki?

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now