Lascivious Casanova 40

27.7K 662 259
                                    

(LC) Chapter 40






"Oo gwapo siya!"

Naramdaman ko sa aking magkabilang gilid ang paninigas ng dati na niyang matitigas na braso. Nagawa ko siyang matitigan sa kanyang mga mata kahit pa nagsisimula na naman bumalot ang dilim doon. Pinigilan niyang hindi magalit pero kahit anong tago niya lumabas pa rin. Nahuli ko ang pagkiskisan ng ngipin niya bago niya ikiniling ang kanyang ulo pagilid.

"Ikaw ba hindi ka nagagandahan sa ibang babae? Alam natin kung ano ang maganda sa hindi pero hindi ibig sabihin na nagwapuhan ako gusto ko na! Kapag nagwapuhan ako sa lahat ng lalaki na nakasalubong ko ibig sabihin ba niyon gusto ko na silang lahat?!"

Nanatiling tikom ang bibig niya. Mas pinipili niya na lang yata na panatilihing sarado ang bibig kaysa makipagtalo kung kaya't tahimik. Huminga siya ng malalim saka ibinaba ang mga kamay. Dumistansya siya na para bang hindi niya kayang nasa malapit sa akin gayong kaaamin ko lang na nagagwapuhan ako sa ibang lalaki. Nakatayo lang siya't tahimik na nagpamulsa sa harapan ko. Salubong na ang kilay. Nasa gilid pa rin ang tingin. Mariing nakasara ang bibig niya at 'di na nag-abalang sumagot.

"A stranger would look my way and you would suddenly accuse me of flirting?! Tama ba iyon?! Sinabi mo na noon na seloso ka pero hindi ibig sabihin no'n na itotolerate ko na ang ganyang asta mo! Paano iyon? Sa tuwing may lalapit sa akin magseselos ka? Baka makasira ka pa sa konsentrasyon ko sa pag aaral!"

Sinundan ko ng tingin ang pag alon ng lalamunan niya sa ginawang magkakasunod na paglunok. May nasagi yata ako sa kanya at tila alam niyang iyon ang pinaka hindi ko gustong mangyari. Ang maapektuhan ang pag aaral ko dahil sa relasyon namin o dahil sa pagiging seloso niya. Tinapunan niya ako ng sulyap. Pumirmi ang titig niya sa akin. Seryoso ang mga mata niya. Umawang ang labi niyang mariin na nakasara kanina. May sasabihin yata pero sa huli isinara niya ulit iyon at umiwas na lamang ng tingin. May balak sigurong ipagtanggol ang sarili ngunit nagbago ang isip.

Hindi naalis ang pagsalubong ng kilay niya subalit walang binibitawan na salita. Para bang nagagalit siya sa sinasabi ko ngunit dahil gusto niyang maging okay na kami pagbalik sa cottage, hinahayaan niya na lang at hindi na pinapalaki. Imbis na matuwa sa pananahimik niya lalo akong nakaramdam ng irita. Pumayag siyang mag usap kami pero ngayong kinakausap ko siya ayaw niyang magsalita!

"Oh? Bakit ikaw naman ang tumahimik?! Mahilig ka rin naman sa magaganda, hindi ba?! Lahat ng naging babae mo at lahat ng naging ex mo magaganda!"

Marahan niyang iginalaw ang ulo niya para sa isang iling. Nakuha ko ang atensyon niya. Hinarap niya ako. Nagkatinginan kami. Nakatiim-bagang siya ngunit nang magsalita'y may pagtitimpi sa paos na boses.

"I already told you I don't have ex-"

"Walang ex girlfriend pero maraming ex fuck buddies! Ex friends with benefits! Gusto mo ba isa isahin ko pa sila?!"

Napapikit siya ng mariin. Pagdilat niya, nagtagpo ang mga mata namin. Problemado siyang humugot ng malalim na hininga. Nasa itsura niyang ayaw niya ng pinag-uusapan namin at gusto nang lumabas kami rito. Hindi nga lang niya ako mahila palabas dahil alam niyang mas ikakagalit ko iyon.

"Kapag may nakasalubong kang magandang babae hindi ka ba magagandahan?!"

Sa tanong na iyon, bigla akong naging kuryoso sa isasagot niya. Mas naging gutom tuloy ako na sumagot siya para malaman ko kung nagagandahan ba siya sa iba kahit ako na ang girlfriend niya. Kitang kita ko ang pag ahon ng pagkadismaya sa madidilim na mata niya. Umiling siya ng sunod sunod.

"Anong klaseng tanong iyan? Kung ito ang pag uusapan natin mamaya na lang tayo mag usap-"

Tinulak ko siya sa dibdib dahil balak niyang abutin ang door knob sa gilid ko. Napaatras siya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nailabas niya sa bulsa ang mga kamay niya dahil sa pagkabigla. Nakaramdam ako ng inis dahil ayaw niya akong sagutin. Bakit? Dahil ayaw niyang aminin na nagagandahan siya sa ibang babae kahit may girlfriend na siya?! How about Miss Abadiano? How about Maya? Magagandahan pa rin ba siya sa mga iyon kapag nakasalubong niya sa isa sa mga corridor?!

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now