Lascivious Casanova 13

29K 674 118
                                    

(LC) Chapter 13






Inikot ko ang mga mata sa buong opisina matapos sipatin ng tingin ang aking lumang relong nasa pulsuhan. Iniisip ko pa rin 'yung dagang nakita ko rito noon. Hindi naman ito luma at abandonadong opisina kaya't di maalis sa akin ang magtaka kung saan nanggaling ang daga.

Nakanguso ako at nakapangalumbaba nang bumukas ang pinto. Nakatukod ang siko ko sa librong sinukuan ko na dahil hindi ko naman maintindihan. Iniluwa nito si Jax na basa pa ang buhok. Nagtama ang tingin namin at kamuntikan na akong mapahalik sa lamesa nang malaglag ang ulo ko sa aking kamay. Hindi ito ang unang beses na makikita ko siyang bagong paligo at mabango, ngunit bakit nagkakarambolan ang utak at puso ko nang magkatinginan kami.

"Let's start. Ayokong gabihin," kunwaring walang emosyon na sabi ko. Patago akong napalunok upang alisin ang bumarang kaba sa aking lalamunan at pinilit na hindi mapilipit ang dila at hindi mautal nang magsalita.

Umayos ako ng upo at hindi pinahalata na naaapektuhan ako sa presensiya niya nang lumapit siya sa akin at pumwesto sa aking likod. Bahagyang dumikit sa aking likod ang mga kamay niyang humawak sa sandalan ng swivel chair. Kagat kagat ko ang dila ko, pinipigilang matuloy ang nais lumabas na singhap dahilan ng tila kuryenteng dumaloy  sa daliri niya papunta sa likod ko.

"Anong subject iyan?" mababa at lalaking lalaki ang boses niya nang magtanong. Dinudungaw mula sa aking likuran ang libro na kabubukas ko lang.

"Science," mabilis at labas sa ilong na sagot ko, takot na takot mautal at mahalata niya ang hindi pamilyar sa aking nararamdaman ko.

Yumuko siya't sinilip ang mukha ko. Nagkunwari akong abala sa pagbuklat ng libro, hindi ko siya nililingon. Hangga't maaari'y pinapanatili kong walang emosyon ang mukha ko.

"You're sitting in my chair. Ito ang upuan mo," turo niya sa katabing swivel chair.

Kinilabutan ako nang maramdaman ang hininga niya malapit sa aking tainga. Tila ba nananadya siya't alam ang nararamdaman ko kahit hindi. Hindi ko magawang umiwas at lumipat sa kabilang upuan, dahil kung gagawin ko iyon, baka manlambot ang tuhod ko. Ipapahiya ko pa ang sarili ko kapag nagkataon.

Pigil hininga ako dahil alam kong nasa gilid ng ulo ko ang kanyang mukha. Isang lingon ko lang baka maduling na ako sa sobrang lapit niya. Kung ibang babae siguro'y sinunggaban na siya ng halik. Hindi ako ibang babae, kaya hindi ko iyon gagawin. Kahit iba na ang nararamdaman ko, malakas ang kontrol ko sa sarili ko.

"Diyan ka na lang. Mas gusto ko ito kasi mas malaki," marahan akong pumikit at pasimpleng nagbuga ng hangin pagdilat.

Nasipat ko sa gilid ng aking mata na napalabi siya at nanatili pa ng ilang saglit sa aking likod. "Okay," kibit balikat niya sabay upo sa dating pwesto ko.

Sinadya ko ritong umupo dahil noong unang beses na narito kami, nilalamig ako sa aircon. Tinignan ko ang aircon na nasa gilid niya. Nagkamali yata ako ng desisyon dahil ngayong diyan siya nakaupo, hinahangin papunta sa akin ang kanyang amoy.

Ang ibang lalaki kahit mamahalin ang pabango, hindi ganitong masarap sa ilong. Minsan pa nga'y masakit na sa ilong dahil sa sobrang tapang. Subalit itong si Jax, parang gugustuhin mo pang katabi mula umaga hanggang sa pagtulog dahil nakakaadik ang amoy niya. At hindi ko iyon nagugustuhan. Mas lalo akong hindi makapag-isip kapag ganitong nalalanghap ko ang mabangong pabango niya!

"Saan ba dito?" inosente ang boses niya at walang kaalam alam na may ibang tumatakbo sa utak ko habang ganito siya kalapit sa akin. Nakikitingin siya sa librong nasa harapan ko. Nakikibuklat na animo'y seryoso sa pag-aaral. Binitiwan ko na ang libro at hinayaan ko siyang mag-isang magbuklat. Nasa libro ang mga mata niya, samantalang ako'y nasa kanya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now