Lascivious Casanova 76

18K 604 152
                                    

(LC) Chapter 76






"What style do you prefer in your wedding bouquet?"

Tinanong ko si Xena pagkasuot namin sa headseat para i-double check niya ang pinili niyang disenyo. Lumapit siya sa akin at muling sumilip sa hawak ko na tablet. Purong kulay puti at pink ang mga bulaklak. Iba't ibang kulay ng pink. Dark to light. Tanging ang arrangement lang sa mga bouquet ang magkakaiba.

"These are just samples but I brought other flowers in case you have other flowers you want to add. Kung mayroon kang naiisip na sariling design na gusto mong ipagawa, pwede rin."

Kaaalis lang ng chopper helicopter sa aircraft garage. Kahit ang bride lang ang kausap ko, naririnig kami ng iba. Ayoko man iparinig, konektado ang headset sa lahat. Hindi gaanong maingay ang chopper na sinakyan namin kumpara sa mga nasakyan ko noong nasa Greece. Dito, pwedeng magkarinigan kahit walang headset. Mas priority nga lang na mayroon.

"Naging schoolmate ko si Millie. Matagal na kayong magkakilala?"

Nabigla ako sa tanong niyang hindi konektado sa bulaklak. Ang kasama namin ni Millie na staff ay napasulyap sa akin. Kilala nila ako sa Greece pa lang. Alam nila na matagal ko nang kilala sila Millie bago pa namin simulan ang partnership dahil madalas itong bumisita sa mga kaanak niya sa Greece. It was also discussed in the meeting that I will not use the name I used in Greece. They are professionals and pioneer staff so it is not difficult to talk to them about confidential matters. Sanay na sila sa Greece pa lang.

"Hindi pa ganoon katagal, Ma'am." I smiled and answered safely. "Are you fine with classic round style lush blooms peonies? Or do you want variety pink flowers?"

Nakangiti siya. Sa palagay ko'y pansin niyang umiiwas akong magtanong siya ng ibang bagay bukod sa aayusin kong bouquet niya. She's my client and not my friend. I don't think it's appropriate to talk to her casually. Idagdag pang kakilala siya ni Jax. She looks friendly but I don't make friends with people I just met.

"Maganda naman lahat ng ipinakita mong arrangement. Ikaw na ang bahala. Malaki ang flower garden doon. Kung may makita ka na gusto mong idagdag pwede kang pumitas. Ang importante lang naman sa akin mayroon akong hawak na bouquet."

Tumango ako. Tinignan niya ako at pagkatapos ay sa harapan. Yumuko ako at nasa mga disenyo nang nasa tablet ang tingin ko pero naramdaman kong bumalik ang mata niya sa akin. Nasa harapan si Jax. Katabi niya ang nagmamanehong lalaki na maganda ang katawan at nakasuot ng pang-army'ng pants. Mukhang alam ko na kung bakit niya ako tinanong. Tingin ko'y nakita niya ang pagdadabog ni Jax pasakay sa chopper matapos akong harangin nito.

Nagulat siya nang makita ako at ayaw pang paapakin sa isla nang una. Nang lagpasan ko siya upang sumakay dito'y wala rin namang nagawa. Tahimik siya at hindi ko na inintindi ang presensya niya. Trabaho muna. Pagkatapos kong kausapin si Orion at saka ko pag-iisipan ang gagawin sa kanya.

Nang magkaharap kami. Ang unang pumasok sa isip ko ay gusto ko siyang suntukin at saktan. Gusto ko siyang durugin. Lalo't sa nakita kong reaksyon niya'y siya pa ang may ganang magalit sa akin sa kabila ng ginawa nila. Natatakot ba siyang sabihin ko sa mga kasama namin kung anong klaseng tao siya? Marami akong gustong sabihin at gawin pero hindi ako maaaring magpadalos dalos at magpadala sa bugso ng galit ko. I'm not here for revenge. Hurting him isn't going to make me feel better. What I need is more than revenge.

Inasahan ko na makita siya pagkarating sa isla. Ngunit hindi ko inasahan na sa Manila pa lang, magtatagpo na kaming dalawa. Sa inakto niya, natanto kong ang isla na patutunguhan namin siguro ang pinag-meetingan nila noon sa casino ng mga kaibigan niya. Ang pagkakaintindi ko sa meeting nila'y magkakasosyo sila at may lupa lang siya roon pero hindi siya ang may-ari sa buong isla. Bilhin niya muna ng buo bago niya ako pagbawalan na pumunta.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now