Lascivious Casanova 10

29.4K 749 94
                                    

(LC) Chapter 10

"What do you mean? Do I look like a frog to you?" taas kilay na tanong ko. "Gusto mong humalik? Ito ang halikan mo oh!"

Ang kamay kong kakahawak lang sa palaka'y itinaas ko at hinilamos sa kanyang mukha. Natawa ang mga kaibigan niyang nakarinig sa usapan namin.

Malakas niya akong naitulak at halos maduwal habang pinupunasan ang mukha niyang pinahiran ko ng basang kamay.

Napangiwi ako. Dahil sa lakas ng pagtulak niya'y tumalbog ang katawan ko sa sahig. Kapwa masama ang tingin namin sa isa't isa habang sabay na tumatayo. Lalapitan niya sana ako kung hindi lang nakataas ang isang kamay ko at balak ulit na ipahid sa kanya. Napaghiwalay lang kami nang sabihan ako ni Miss Abadiano na maglinis ng kamay.

Habang naghuhugas ng kamay ay binalikan ko ang sinabi ni Jax at kung gaano kapungay ang mga mata niya. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Halata ang pamumula ng magkabila kong pisngi.

Tumapat pa talaga sa pagdating ni Ms. Abadiano nang sinabi niya iyon. Malay ko ba kung may LQ sila? Kaya ba nakikipaghiwalay siya kay Maya at ipinipilit niya ritong wala silang relasyon dahil si Ms. Abadiano na ang pinili niya? Baka gusto niyang pagselosin si Ms. Abadiano kaya niya sinabi sa akin iyon?

Pero mga kaibigan niya lang yata ang nakarinig dahil sa sobrang hina ng pagkabigkas niya. Kung pagseselosin niya si Ms. Abadiano hindi ba dapat ay basta niya nalang akong hinalikan para makita nito?

Napasinghap ako at kinilabutan sa naisip. Napahaplos ako sa aking mga braso nang maisip kung ginawa niya nga iyon. Sasampalin ko ba siya? Siyempre, sasampalin ko! Hinalikan niya ako e! Baka sinabunutan ko pa siya, sinipa, at sinuntok!

Matapos magpatuyo ng kamay ay lumapit ako sa pinto para bumalik sa klase. Bago ko pa mabuksan iyon, kusa na itong bumukas at iniluwa si Jax. Padabog niyang isinara ang pinto, ni-lock at tinignan ako.

"Hoy! Ano iyan?" tukoy ko sa pinto na isinara niya.

Hindi niya muna ako pinansin. Dumiretso siya sa faucet at naghilamos ng mukha. Pinanuod ko siyang maghilamos hanggang sa matapos siya.

"Bakit mo ginawa iyon?! Bakit kailangan mong hawakan 'yung palaka?!"

Basa ang mukha niya dahil kagagaling lang sa paghilamos. Ang tubig na nagmumula sa mukha niya ay bumagsak papunta sa kanyang leeg at suot na damit. Sa pisngi ko lang naman siya pinahiran ngunit binasa niya maging ang kanyang buhok. Nagmistula tuloy siyang bagong paligo.

"Ang sabi mo kasi magaling akong dumakot!"

"You know what I am talking about! I'm talking about what happened the other day and not that fvcking frog!"

"Palaka ang nasa kwarto! Anong gusto mong dakutin ko ulit, iyan?!" turo ko sa pantalon niya. "At bakit dito ka pa nagpunta? Maraming banyo sa itaas! Kaya nga dito ako gumamit sa ibaba dahil ayokong makasama ka kung maglilinis ka ng mukha!"

"Ikaw ba ang may-ari nitong school? Gagamitin ko ang kahit anong banyo na gusto ko!"

"Sumasakit ang ulo ko sayo, Jax! Bahala ka na diyan!" maingay ang mga paa kong naglakad patungo sa pinto para iwan siya.

Bakit ba ang hilig niyang makipag-away sa akin? Hindi maganda ang resulta sa amin kung magsasama kami sa isang classroom! Mabuti nalang at hindi ko siya kaklase dahil kung nagkataon, baka hindi pa ako maka-graduate dahil sa mga gulong dala niya!

Sa pangatlong beses na pag-ikot sa door knob tsaka ko lang napansin na hindi iyon bumubukas. Tinignan ko ng mabuti ang lock. Hindi iyon natatanggal kahit anong pihit ko.

"Jax!" sigaw ko nang medyo mataranta dahil hindi ko talaga mabuksan.

Nilingon ko siya at nahuli kong matalim ang titig niya sa likod ko. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabuksan ang pinto!

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now