Lascivious Casanova 28

38.2K 833 124
                                    

(LC) Chapter 28

Hindi ako makakapangako ng mabilis na update. Medyo marami po akong inaasikaso sa ngayon. I hope you can wait. Thanks for reading!

-----Miss IYA-----


Mahihinang halik sa aking mukha ang gumising sa akin. Nakatulog ako pagkatapos namin dahil na rin siguro sa pagod at pananakit ng katawan.

"Peter's here." Narinig kong paos na bulong niya galing sa likod. Ginigising ako.

Nakayakap siya sa akin mula sa likuran para hindi ako lamigin. Hindi namin maisuot ang mga damit namin dahil basa. Hindi rin kami makaalis at makapunta sa school kung saan naroon ang sasakyan ni Jax dahil malakas pa rin ang ulan.

Mas lumakas pa nga yata iyon ngayon kaysa kanina nang takbuhin ko. Mabuti na lang at nadala ni Jax ang telepono niya't natawagan si Peter. Dala ko rin ang sa akin pero nabasa iyon kaya kailangan kong patuyuin at hindi ko alam kung gagana pa. Hindi naman kasi ito katulad ng telepono ni Jax na waterproof. Basag rin iyon at baka napasukan ng tubig.

Unti unti akong umupo. Napangiwi ako. Masakit ang mga braso ko, mga hita, lalo na ang pribado kong katawan sa pagitan ng mga hita ko. Madilim na sa labas at tanging ilaw lang ng telepono ni Jax ang gamit namin para magkakitaan.

"Don't move. I'll carry you to the car." Sabi niya at tumayo.

Iniyakap ko sa aking katawan ang dalawang braso pagkaupo ng maayos. Wala akong damit dahil nabahiran ng dugo ang blouse ko at basa pa rin ang skirt. Panty lang ang suot ko na napagtiyagaan kahit basa.

Pumunta siya sa pinto. Maliit niyang binuksan iyon sapat lang para makuha ang inabot ni Peter na damit. Pambabae iyon at sa palagay ko'y para sa akin. May sinabi pa siya rito bago sinarado ang pinto at bumalik sa akin.

"Come here." Lumuhod siya sa harapan ko at binihisan ako.

Tinitigan ko siya. Suot niya ang medyo basa pa niyang pantalon. Wala siyang pang-itaas na damit. Pinamulahan ako sa dilim nang maalala ang nangyari sa amin.

"Ihahatid mo ako?" Tanong ko habang abala siyang damitan ako. Tinapos niya muna ang pagbibihis sa akin bago sinalubong ang mata ko.

"Hindi. Sa bahay ka muna."

Tumayo siya at inalok sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Hindi ko iyon inabot at nilingon muna ang labas na madilim na. Kung magtatagal pa ako mag-aalala na ang mga magulang ko. Pagbalik ng tingin ko sa kanya, umiling ako.

"Hindi ako pwedeng umuwi sayo. Baka mag-alala sina nanay at tatay."

Yumuko siya at siya na ang umabot sa kamay ko. Inalalayan niya akong tumayo. Mabilis niya akong sinalo sa bewang dahil hindi ko kayang tumayo mag-isa. Masakit pa ang nasa patigan ng mga hita ko at pakiramdan ko'y mayroong sariwang sugat. Ganoon ring ngalay pa rin hanggang ngayon ang mga hita at singit ko. Ang isang braso niya'y nakaikot sa bewang ko. Ang isa pa'y inaayos ang aking buhok. Pinatakan niya ako ng halik sa labi bago nagsalita ulit.

"They'll understand. Tatawagan natin sila pagkauwi. Baha ang daan papunta sa inyo sabi ni Peter. Bukas ng umaga na kita ihahatid. Sa akin ka muna matulog."

Umawang ang labi ko. Nilapat ko ang mga kamay sa hubad na dibdib niya bago sinilip ang bintana. Nang nakaupo, nakikita ko ang ulan pero hindi ang itsura ng labas. Ngayong nakatayo, saka ko nakita na medyo baha nga. Mababaw dito pero siguradong sa daan pauwi ay mataas ang tubig.

Pagbalik ng tingin ko sa kanya'y tumango ako at maliit na ngumiti. Nakatitig siya sa akin sa dilim kahit kaninang nasa bintana ang tanaw ko. Tila namamangha pa rin siya hanggang ngayon.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now