Lascivious Casanova 43

27.4K 676 143
                                    

(LC) Chapter 43




Mabibigat na katok ang nakapagpahiwalay sa amin. Nanlalaki ang mga mata kong napalingon kay Jax. Kasi sino ang kakatok gayong pinaalis na niya ang mga kasama niya? Bumalik ba sila? Akala ko ba nasa sugalan sila?

Nang makita niya ang reaksyon ko, natawa siya. Tinago niya ang kanyang mukha sa aking leeg at mahina akong kinagat roon. Tila ba nanggigil siya nang makita ang gulat na itsura ko.

"Si Ate Amor iyan..." inangat niya ang kanyang mukha at may ngiti sa labing tiningnan ako.

Lalo kong ikinalaki ng mata iyon. Narinig ulit namin ang katok. Mas malakas ngayon. Iniisip siguro ng nasa labas na hindi iyon narinig ng nasa loob. Natatawa siyang humiwalay sa akin saka siya tumayo. Tiningala ko siya.

"Bakit siya magpupunta rito?"

"Pinagdala ko ng pagkain. Hindi ka mabubusog diyan sa mga dala mo. Kailangan mo kumain ng kanin."

"Alam niyang nandito ako?"

"I don't think so. But if yes, don't worry. I have my way to silent her."

Sumimangot ako. Hinayaan ko siyang lumapit sa pinto. Paa lang ni Ate Amor ang nakita ko. Sisilip pa sana siya sa loob pero hinarangan na siya ng malaking katawan ni Jax bago pa ako nito makita. Hindi niya alam na narito ako pero hinulaan niya lang dahil para sa pang-dalawang tao ang pinadala ni Jax na pagkain. Nang tapalan ito ni Jax sa mukha ng lilibuhin saka lang ito tumigil sa pang-uusisa. Hinablot nito ang pera at tuwang tuwa na umalis.

"Is that your way to keep her silent? Pinagmumukha mong pera si Ate Amor!" Komento ko pagkalapat pasara ng pinto.

"She's earning so that's more in her favor. Basta hindi siya magsasalita, magkakapera siya." Humalakhak siya.

"She's not earning Jax! You just bribe her by giving her money!"

"Pareho lang iyon. Kumita pa rin siya."

Ngumisi siya at mayabang na tinaasan ako ng kilay. Napailing ako. Ito ang isa sa dapat na baguhin niya e. Dinadaan niya lahat sa pera. Pero kung iisipin, para naman sa akin iyon. Sino ba ang may ayaw na may makaalam na kami? Hindi ba't ako naman? Kung papipiliin si Jax, baka nga ikinalat na niya sa buong school.

Lumapit siya sa akin at inilapag ang mga pagkain sa upuan na nasa tabi ko. Napadiretso ako ng upo nang inilayo niya ang mga junk foods na dala ko at itinira ang tinapay.

"You shouldn't eat these junks. From now on, you'll eat only healthy foods. Bawal na ang chichirya. Hindi iyan healthy sayo."

"Anong kakainin ko diyan?!"

"Ito... gulay..." Tinulak niya palapit sa akin ang kabubukas lang na meal box. "Madalas ko kayong makita na kumakain ng mga junk foods sa tuwing nagpapractice kayo ng kagrupo mo. Hindi lang kita masaway noon dahil hindi pa naman kita girlfriend. Ngayong girlfriend na kita hindi na pwede sa akin iyon."

Habang nagsasalita siya't inihihiwalay ang mga junk foods, nakatingin lang ako sa kanya. Nagpipigil ako ng ngiti na lumabi. Hindi na ako sumabat kahit gusto ko sanang kumain ng junk foods kaya ko iyon binili. Wala lang. Natutuwa ako sa pag aalala niya. Nag aalala naman sa akin sila nanay at tatay. Maraming guro ang nagtatanong sa tuwing napapaliban ako sa klase. Ganoon rin ang mga kagrupo ko at halos lahat ng kamag aral. Pero iba ang pakiramdam ko sa tuwing si Jax na ang nag aalala sa akin at nag aalaga.

"Baka gusto mo na ring mag-apply na tatay ko Jax? Ang daming bawal sayo!" Naghalukipkip ako pero nakangiti ako sa kanya.

Kahit simpleng pagkain ko pala ng chichirya napapansin niya noon pa. Naging palaisipan tuloy sa akin ngayon kung kailan ba siya nagsimulang nagkagusto sa akin.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now