Lascivious Casanova 68

19.7K 587 237
                                    

(LC) Chapter 68





"Maybe it's better if I buy my own private plane?"

"Gastos na naman iyang iniisip mo!"

Sabay kaming natawa. Pinayagan ko siya. Ang dami niyang iniisip. Mas marami pa sa akin. Ito na lang ang magagawa ko para sa kanya. Ang hindi makipag-away at intindihin muna siya. Kahit hindi ko gusto ang ideya na kasama niya si Georgina, ang kakapitan ko ay ang tiwala ko sa kanya. Isang araw lang naman. Makakapag-usap din kami pagkauwi niya.

"The plane took off now! I love you-" Nagmamadali siyang nagpaalam. Hindi pa natatapos, naputol na. Nawala na ang signal niya.

Umaga umalis sila Jax. Tumawag siya kanina na nasa Airport na at naghihintay na lang sa oras ng flight. Nagtagal din ang usapan namin. He was bored waiting for the flight so he thought of buying a private plane. Ipapalagay niya raw ang pangalan naming dalawa bilang logo sa katawan nito. Nagpaalam lang siya na tatapusin na ang tawag nang lumipad na ang kanilang sinasakyan. Aniya'y kinabukasan na sila makakarating sa Ireland at madaling araw na siya makakabalik dito pauwi.

"Nagresign si Miss Abadiano!" si Irene.

"Ang sabi tinanggal daw?" Si Cathy.

"Bakit naman siya tatanggalin? Dahil sa pananamit at maraming naaakit na estudyante? Nagresign ang narinig ko! Kung tinanggal ano raw ang dahilan?"

Nagkibit balikat si Cathy.

"Hindi nila inilabas kung bakit..."

Casual silang nag-uusap. Nahinto ang kamay ko sa pagha-highlights sa irereview ko mamaya. Sa buwan na ito makakapasok ang dalawang guro at kailangan ko itong mamemorize. Dalawang subject iyon na final exam. Mababa na ang ilang record ko nitong nakaraan kaya hindi ko na ito maaaring maibagsak.

"Bakit nila kailangan itago? Dapat nga pinapaalam nila para warning na rin sa mga magbabalak na gumawa!"

"They may have a reason. Hindi naman itatago iyon kung wala. Hindi naman ito unang beses. Hindi lahat inilalabas ng school."

Dumireto ako ng upo at tiningnan sila. Nasa library kami. Katapat ko sila. Si Irene ngumunguya ng ipinuslit niyang pagkain dahil bawal dito. Nasa loob ng bag niya iyon at dinudukot lang. Si Cathy may binabasang malaking libro tungkol sa pagme-medisina, natitigil lang para sumagot kay Irene.

"Siguro nahuling may estudyante na nilalandi? Ang narinig ko nakita iyan sa cctv noon na nag-aayos ng skirt at nakabukas ang ilang butones ng blouse! Magulo ang buhok at kalat kalat ang make up!"

"Nakita ba kung sino ang kasama? Baka naman kapwa guro?"

"Kahit na! Bawal pa rin iyon!"

Nagresign? Yumuko ako at tumitig sa mga letra na mayroong kulay dilaw na highlighter. Walang may alam dito tungkol kay Jax at Miss Abadiano maliban sa akin. Pero yung mama ni Jax nabanggit iyon kahapon. Kung alam ng mama niya, maaaring maging si Georgina alam iyon. Hindi kaya isa sa kanila ang nagpatanggal sa guro? Mama ni Jax? Ang sabi ni Jax walang pakialam sa kanya ang mama niya. Hindi ba't handa nga itong iwan si Jax at niyaya si tatay na umalis sila? Pero bakit ngayon parang nakikialam na siya sa anak niya? Dahil ba hindi sumama sa kanya si tatay? Galit siya kay tatay at ayaw niya sa amin ni Jax? Gusto niyang pakialaman ang anak niya ngayon lalo't nalaman niya na ako ang girlfriend nito? Kaya pinasunod niya rito si Georgina at nagpahatid ngayon? Kinabahan ako ngunit binalewala ko muna iyon at nagpatuloy na lang sa ginagawa.

"Hindi ka nakapasok kahapon?"

Natigil ako sa pagiging tulala sa mga letra. Nabosesan ko si Jace. Napausog ako palayo nang malingunan ko siyang tumabi sa akin. Ang mata ng dalawang kasama ko, awtomatikong nasa amin. Tinigilan ko na ang ginagawa dahil nawala na ako sa pokus. Isinarado ko iyon at hinarap si Jace. May bagong band aid sa kilay niya. Agaran kong naisip si Jax sa band aid na iyon. Pinilit kong ngumiti ng tipid.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now